30

485 14 4
                                    

"Thank you, Miss Jeila!"


Natapos ang speech ko nang malakas ang palakpakan ng mga tao. Ngumiti ako sa lahat bago bumaba ng stage at ibinalik ang mic sa host. The host smiled at me with tears in his eyes. I shook his hand and that's when I see a wound on his wrist.


I smiled and kissed his wrist. "Continue fighting. Don't do this again, okay?"


The host bit his lip and nodded. "Thank you.." He whispered.


Ngumiti ulit ako sa kanya bago bumalik sa lamesa namin. Niyakap agad ako ni Kiya at ni Kean. My eyes landed to Zach. He's smiling at me and I smiled back. I feel so free right now. Ang tagal ko ring tinago sa mga tao ang pangyayaring iyon sa buhay ko. Alam kong madaming magugulat dahil sa mga sinabi ko pero masaya ako na makaka-inspire ako ng mga tao. Sa ngayon ay hindi na mahalaga ang pagiging public figure ko, ang mahalaga ngayon ay ang makaka-inspire ako ng mga tao.


"I'm so proud of you.." Kean whispered to me.


"Thank you, brother." I pouted and hugged his arms.


"Mag-ready ka na sa speech ni Zach." Tumawa siya.


Mahina ko siyang hinampas sa braso niya at sumimangot.


I'm also looking forward to Zach's speech. I wonder kung ano ang dahilan at bakit siya sumali dito. Ni hindi ko man lang alam na kasali pala siya sa campaign na ito. At saka, how did he found out about this campaign?


After my speech ay nag-dinner muna ang lahat. Nang medyo kumonti na ang pila sa may mga pagkain ay tumayo na ako. Kumuha ako ng isang plato at kinontian lang ang kanin at ulam na lang ang dadamihan ko. I got some cordon bleu, buttered potatoes, salad and leche flan for my dessert. Kukuha pa sana ako ng buko salad kaso ay puno na ang kamay ko kaya naman bumalik muna ako sa table namin para ilapag doon ang plato ko. Babalik na sana ako sa kuhanan ng pagkain nang may maglapag ng buko salad sa table namin. Paglingon ko ay nakita ko si Zach na nakatingin sa akin habang nilapag ang buko salad sa tabi ng plato ko.


"Ah, thanks.." I whispered awkwardly.


He just nodded and walked away. Naiilang na umupo ako at ayon na naman ang ngisi sa akin ni Kiya.


"Comeback na 'yan.." Bulong pa niya at napailing na lang ako. Kung ano-ano ang pinagsasasabi niya.


Tumingin ako sa table nila Zach. Tahimik lang siyang kumakain na para bang may iniisip.


Aaminin ko, kahit na ilang taon na ang nakalipas hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko sa kanya. Kahit na niloko, ginamit niya ako, para pa rin akong tanga na umaasa na baka.. pwede pa. Na baka pwede pa kaming magsimula ulit, na baka pwedeng itama namin ang mga pagkakamali namin noon.


Pero hindi madali. Hindi madaling magpatawad. Hindi madaling buksan ulit ang puso ko sa taong sinaktan ako noon. Madaming salita ang nasabi namin sa isa't isa noon na alam kong hindi na kayang bawiin. Kung hindi lang sana iyon nangyari, masaya kami ngayon. Buo sana kaming tatlo ng anak ko.

Every Lies of Love (Fernandez Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon