9

304 10 7
                                    

Song: Hardin by Jericho Rosales

--

"Ano ba nangyari sa'yo kanina, Jeila, ha?!" 


Iyan agad ang bumungad sa akin pagkapasok ko ng dressing room. Nakakunot ang noo sa akin ni Cleo at halatang galit. Nasa gilid ko naman si Kiya na nakatingin sa baba. Minsan lang kasi magalit si Cleo at nangyayari iyon kapag may mali akong nagawa o panget ang naging performance ko sa photoshoot katulad kanina. 


Hindi ko siya pinansin at nagsimulang ayusin ang gamit ko. Halos limang oras din kaming nag-photoshoot. Masakit na nga ang panga ko kakangiti. 


Hindi rin maalis sa isip ko ang sinabi ni Zach kanina sa kausap niya. Bibisitahin daw niya 'yung Laurene? Sino 'yon? Girlfriend? Naiinis na binagsak ko ang hawak na bag kaya nakita kong napalingon sa akin sila Kiya.


Bakit niya ako hahalikan, dadalhin sa condo niya, lalandiin, kung may girlfriend siya? At mabilis naman akong nagpauto. Hindi ko alam kung bakit nagagalit at naiinis ako. E, hindi naman kami. Wala din naman siyang sinasabi na gusto niya ako o ano. Tss. Nakalimutan kong playboy nga pala siya. 


"Pagod na ako, umalis na tayo." Walang emosyong sabi ko at lumabas ng dressing room. Dumiretso agad ako sa van namin at hinintay sila Cleo at Kiya. 


Tumingin ako sa labas ng bintana. Sino nga ba ang niloloko ko? Kahit naman ayaw kong aminin sa sarili ko ay alam kong may nararamdaman na ako kay Zach. Sa ikling panahon na magkasama kami ay nagustuhan ko siya. Hindi na ako magtataka kung bakit madaming model na patay na patay sa kaniya. Madali kasi siyang gustuhan. Isang tingin mo pa lang sa kaniya ay magusgustuhan mo na siya, ano pa kaya kapag hinalikan, niyakap ka na niya. 


I sighed. I've been in love before, nagkaroon na rin ako ng boyfriend. Pero hindi ako selosa. 


"Hoy, ano bang nangyari sa'yo?" Bulong ni Kiya habang papauwi kami. 


Tinignan ko siya saglit. "Kiya," Tawag ko. "Paano mo ba masasabi kung nagseselos ka?" 


Tinaasan niya ako ng kilay na para bang hindi niya inaasahan na itatanong ko iyon. "Bakit mo naman natanong 'yan?" 


Umirap ako para hindi ako mahalata. "Tanong ko lang bakit ba? Sagutin mo na lang." 


Umakto siyang nag-iisip. "Hmm. Kapag.. Kapag hindi ka mapakali saka naiinis ka sa hindi malamang dahilan. Nai-insecure ka ganoon." 


Napatango ako. "Pero paano kapag, kapag hindi naman kayo tapos nararamdaman ang bagay na 'yan?" 


Natawa siya habang napapailing. "Awit diyan, sis. 'Wag ka papayag na walang label. Kahit halaman ngayon ay may label na kaya 'wag kang papayag." 


Napalunok ako at umiwas ng tingin. Ni hindi ko nga alam kung ano ang pakay sa akin ni Zach. Isa lang ba ako sa mga babae niya? O trip niya lang gawin sa akin ang mga iyon kasi bored siya? 


Parang may sumaksak sa puso ko nang maisip ang mga bagay na iyon. Ang bigat sa pakiramdam at parang gusto kong maiyak.

Every Lies of Love (Fernandez Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon