"Good Morning po, Dad."
I hugged and kissed dad's cheeks as soon as I entered the dining room. Kakagising ko lang at muntik na akong hindi pa bumangon dahil sa sakit ng katawan. Nag-workout kasi ako kahapon and as usual, extreme routines nanaman ang pinagawa sa akin. Hindi ko naman sila masisisi dahil iyon talaga dapat. I have to take care of my body.
It's hard to lose weight. 3 years ago I was very fat, that's why model agencies can't accept me. Ang hirap pero worth it. Before, I didn't consider doing diet and losing weight, it's not what I want. Pero sabi nga nila, kung gusto kong makapasok sa industriyang ito, kailangan kong mahirapan.
Pumayat ako. Hindi ko masasabing sobrang sexy pero at least pumayat ako. I still love my old body, though. It's just the best version of me today.
Kumunot ang noo ko nang makitang nakangiti si daddy habang nakatingin sa cellphone niya. My dad doesn't look like his age. Ang bata niyang tingnan kahit na may ibang kulubot na sa mukha. Kamukha niya si Dr. Derek sa Grey's Anatomy. Natawa naman ako sa naisip.
"Mukhang ang saya mo, dad, ah." I pointed at his face and smirked.
Kumuha ako ng pancakes at nilagyan ng konting syrup sa taas. Pwede ko naman daw kainin lahat ng gusto ko, basta in moderation. Portion control is the key daw.
My dad raised his gaze at me and shook his head. "May nakita lang ako, anak."
"What?"
Umiling lang siya kaya nagtaka ako. Hindi ko na lang din iyon pinansin at kumain na lang. Nakakapagtaka na mukha siyang masaya ngayon. Well, masaya naman siya lagi but ngayon ko lang siya nakita ngumiti ng ganito. The last time I saw him smile like that ay 'yung buhay pa si mommy.
Mommy died when I was 15 years old. Heart attack. We were so devastated that time, hindi ko alam ang gagawin ko non dahil wala na si mommy. Lagi akong umiiyak ng patago. But then sabi nga nila. Life goes on. Mula noon ay kami na lang ni daddy ang magkasama. Parang naging mommy ko na din si mommy. He took care of me like how mom did before she died.
Hanggang ngayon masakit pa rin but we moved on.
"May gagawin ka ba ngayon?" He asked.
I nodded. "May photoshoot po ako with a brand. Bakit, dad?"
"Nothing. I was just asking."
Tumango ako at tinapos ang pagkain ko. Nang matapos ay dinala ko iyon sa kusina para hugasan pero hinarangan agad ako ng maid at sinabing siya na lang daw. Pumayag naman ako at nagpasalamat.
Umakyat ako sa taas at naligo na. I have a photoshoot today at paparating na siguro si Kiya kaya binilisan ko ang pag-aayos.
Kiya is my personal assistant. Kaibigan ko siya noon kaso ay nawala ang magulang niya kaya hindi na siya nakapag-aral. Handa naman siyang tulungan ni daddy kaso siya ang umayaw. Siya ang tumulong sa akin nung mga panahon na nag-audition ako sa iba't ibang modeling agency. And because of that, naisipan ko na gawin na lang siyang personal assistant. Agad naman siyang pumayag.
BINABASA MO ANG
Every Lies of Love (Fernandez Series #3)
RomanceFernandez Series #3 Despite having experienced many heartbreaks and rejections, Jeila Ariexia Avanzano opted to fight for her dreams and did not give up until she achieved her goals. She was adamant about pursuing her aspirations until she met Zach...