"You know each other?"
Nagtataka akong tumingin kay Zach nang magtanong si Daddy ng ganoon sa kanya. Kahit ako ay nagtataka dahil hindi ko naman alam na magkakilala pala sila ni Divine. Tinignan ko si Divine at tahimik lang siyang nakatingin sa baba. Si Daddy naman ay nakangiti at parang hindi man lang nagtaka kung bakit magkakilala ang dalawa.
Zach nodded. "Yes, sir. She was my personal assistant before."
What? Bakit hindi niya nabanggit iyon? O baka hindi niya alam na fiance na ni daddy ang ex-personal assistant niya?
"Oh! I see!" Ngumiti si Daddy at hinawakan ang kamay ni Divine. "At least ay kilala mo na ang stepmom ni Jeila at magkasundo na kayo."
Gusto kong mapairap nang marinig iyon. I really hate the word 'stepmom'. Hindi bagay sa kanya. Mas okay pa ang kapatid. Aaminin ko naman kasi ay maganda si Divine. Mukha siyang bata, malapit sa edad ko. Kaya naman ay hindi mo talaga masasabi na magiging 'stepmom' ko siya kung hindi mo pa itatanong. Saka hindi ko din inakala na PA siya ni Zach dati, I mean hindi naman siguro kailangan pa sabihin ni Zach sa akin 'yon pero hindi rin kasi halata sa itsura ni Divine ang pagiging personal assistant. Akala ko ay secretary siya gano'n.
"I'm also glad to see her again. You look good together." Zach smiled. Pilit akong napangiti dahil doon. Ayaw ko naman maging parang masama sa harap ni Zach.
"Ma'am, Sir, nakahanda na po ang pagkain." Singit ng katulong.
Tumango naman ako at kumapit sa braso ni Zach.
"T-tatawagin ko muna si Kean," sabi ni Divine at mabilis na tumalikod para puntahan si Kean.
Kami naman nila daddy ay nauna na sa dining table. Late lunch na ito, buti na lang ay hindi ako nag-miryenda kanina dahil ang daming nakahain na pagkain. Katabi ko sa upuan at nasa kabisera naman si daddy. Nang dumating sila Divine at Kean ay umupo na din sila. Sa tapat ko si Divine at sa tapat ni Zach si Kean.
"So, as far as I know you're also a model?" Tanong ni dad habang kumakain.
"Yes, sir." Sagot naman ni Zach. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng katigasan sa tono niya.
Dad nodded. "Doon mo nakilala si Jeila? Hindi na kasi kami masyadong nag-uusap nitong anak ko." Dad smiled and I saw pain in his eyes.
My fist clenched.
"Yes, sir. We unexpectedly met at the runway." Zach chuckled.
Dad laughed a bit. "Just call me tito, Zach."
Zach nodded.
"Ikaw ba Kean? Wala ka pang girlfriend?" Tanong ni dad kaya nagawi ang tingin ko sa kanya.
Tahimik niyang binaba ang kutsara na hawak at hindi inalis ang tingin sa pagkain.
BINABASA MO ANG
Every Lies of Love (Fernandez Series #3)
RomanceFernandez Series #3 Despite having experienced many heartbreaks and rejections, Jeila Ariexia Avanzano opted to fight for her dreams and did not give up until she achieved her goals. She was adamant about pursuing her aspirations until she met Zach...