24

416 12 9
                                    

"Jeila!" 


Mas nagmadali ako sa paglalakad nang marinig ang tawag ni Kiya. Mabilis ang paghinga ko habang sinusubukan pang maglakad ng mabilis. Balak kong pumunta kila daddy ngayon at alam kong hindi iyon gustong mangyari nila Kiya at Cleo. Ramdam ko pa rin ang mga luha sa pisngi ko pero dahil na iyon sa galit.


Wala ng karapatan si Divine na manatili pa kay Daddy! Bakit hindi man lang niya sinabi ang totoo sa amin na mag-ex sila? Kay Daddy, bakit hindi niya sinabi? Alam ba niya ang plano ni Zach? 


"Jeila-" 


"Ano ba, Kiya!" Humarap ako sa kanya ng hawakan niya ang braso ko. "Pwede ba?! Hayaan n'yo na lang ako, please! Alam ko ang ginagawa ko!" 


Tiningnan ko sila ni Cleo na parang wala namang pake sa gagawin ko. Nakatingin lang siya sa amin ng walang emosyon. Huminga ako ng malalim at lumapit sa kanya. Dahil naka heels pa ko ay mas matangkad ako sa kanya.


"Bakit hindi mo sinabi sa akin, Cleo?" Nagpipigil na galit na sabi ko. "Bakit?!" 


Ang daming beses niyang pwedeng sabihin sa akin 'yon, pero bakit hindi niya sinabi? At saka paano niya iyon nalaman?


Nakita kong huminga siya ng malalim bago tumingin sa akin ng mariin. "Magpalamig ka muna ng ulo, Jeila. Ipapaliwanag ko sa'yo lahat kapag maayos ka na." Sabi niya at tumingin kay Kiya. "Pakisamahan siya sa van, 'wag mo siyang hayaang makita ng media." Bilin niya bago tumingin sa braso kong may iilang gasgas.


Maagap na tumango si Kiya at nilapitan ako. Tinanggal niya ang jacket na suot niya at pinasuot iyon sa akin. Si Cleo naman ay bumalik sa taas para siguro paalisin si Zach doon.


Nakaalalay na sinamahan ako ni Kiya sa van. Nagtataka pang tumingin sa amin ang driver ko at mukhang gustong magtanong pero hindi na lang tinuloy.


"Sa bahay po tayo." Pagod na sabi ko at humiling sa may bintana.


Tahimik lang ang biyahe. Si Kiya ay tahimik na ginagamot ang mga gasgas ko. Alam kong maga-alala si daddy kapag nakita niya ito kaya mabuti na lang ay may dalang jacket si Kiya.


Hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Ngayon lang nag sink in sa akin lahat ng nangyayari.


Zach used me.


My supposed to be stepmother was my boyfriend's fucking ex.


Isa ko pang hindi maintindihan ay ang hindi pagsabi sa akin ni Cleo kahit alam naman niya ang plano sa akin ni Zach. Magkakilala ba sila ni Zach? How did she knew about it? Matagal na ba niyang alam 'yon?


"Jeila, 'wag ka muna siguro magpakita sa daddy mo.." Mahinang sabi ni Kiya sa akin. "Halatang-halata kasi ang mga sugat mo.."


"Hayaan mo. May jacket naman." Simpleng sabi ko.


Every Lies of Love (Fernandez Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon