15

332 10 3
                                    

"E 'to maganda 'to." 


Napairap na lang ako nang kuhanin ni Kiya ang isang dress na backless at mukhang hapit na hapit. Nandito kasi kami ngayon sa mall para mamili daw ng mga damit at bag. E 'tong si Kiya mukhang mas mayaman pa sa akin, e. Paano ba naman ilang bag na ako nakukuha niya at lahat pa ng iyon ay designers bag! 


"Saan mo ba gagamitin iyan?" Tanong ko. Hindi ko rin naman kasi ganoon ma-tingnan ng maayos ang mga bag dahil sa suot kong shades. Though, wala naman masyadong tao dito ay nadala na ako nung una.  


"Wala lang. Pang post lang." Ngumisi siya at napailing na lang ako. 


Habang namimili siya doon ay tumingin-tingin muna ako sa mga damit doon. Habang tumitingin ako ay nakakita ako ng isang Knitted Sweater. Naalala ko bigla si Divine. Siya ba talaga ang gumawa no'n? Ang galing naman niya..


I sighed. I've always wanted to have my own clothing line. Hindi ko alam kung bakit pumasok sa isip ko iyon noon. Hindi naman ako tulad ng ibang babae na sobrang mahilig mamili ng damit. Wala lang. Siguro dahil na din sa napagdaanan ko noon. 


Kung pwede and posible, sana magkaroon ako ng sarili kong clothing line. I want to promote equality. Na hindi porket plus size woman ka, hindi ka na pwedeng magsuot ng sexy na mga damit. And of course, hindi porket  part ka ng LGBTQ community, hindi ka na pwedeng magsuot ng mga pambabaeng damit like short shorts. I want equality to both men and women. 


"Oh, may bibilhin ka ba?" Tanong ni Kiya nang makitang tumitingin ako sa may mga damit. 


Umiling ako. "Wala naman. Tapos ka na ba? Nagugutom na 'ko." Sabi ko, iniisip pa rin ang naisip ko kanina. 


"Sige, anong gusto mo kainin?" Tanong niya habang naglalakad kami papuntang cashier.


Ngumisi ako. "Chickenjoy."


"Nope. Salad ka lang." Sabi niya at ngumisi pa sa akin. Napairap na lang ako. Nagtanong ka pa? 


Hindi naman talaga sila ganoon ka-strict sa diet ko. Nung una, oo, sobra, pero ngayon hindi na. Basta daw ay portion control. Kapag naman malapit ang Fashion Show or Photoshoot, do'n sila ulit nagiging strict sa kinakain ko. Lalo na si Cleo.


"Nga pala, ano na ganap do'n sa daddy at future stepmom mo?" Tanong ni Kiya. Tutulungan ko sana siya sa pagbubuhat dun sa mga paper bag niya pero umiling siya. Nagkibit-balikat na lang ako at nagsimula na kaming maglakad.


"Ewan." Simple kong sagot sa tanong niya. 


Wala akong balita sa kung kailan sila ikakasal o ano. Wala din naman na ako pakialam. Gawin nila ang gusto nila dahil hindi naman na nila pinakikinggan ang opinyon ko.


 "Hindi ba kayo okay nung ano.." Inalala niya saglit. "Kina..Kier..Kena-" 


"Kean," tumawa ako. Kung ano ano pinagsasabi. "Hindi. Nakakainis kaya 'yon." Sagot ko sa tanong niya. 


Every Lies of Love (Fernandez Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon