"Zach.."
Nanatili akong lumuluha habang nakatingin sa kanya. Hindi ako makapagsalita. Parang may nagbabara sa lalamunan ko at pinipigilan akong magsalita.
Patuloy na hinahaplos ni Zach ang pisngi ko. Parehas kaming natahimik habang nakatingin sa mata ng isa't isa. Pilit kong binabasa ang mga mata niya pero puro lungkot at takot lang ang nakikita ko doon. Sa mga oras na ito ay gusto kong isipin na meron pa.. na kaya pa namin ibalik ang dati. Kahit na masakit kalimutan ang nakaraan, umaasa pa rin ako.
"I wish I could've just told you before that I love you.." He whispered. "Hindi ka sana nawala sa akin.."
"D-do you really love me?" My voice broke.
Mahal mo ba ako, Zach? Totoo bang mahal mo ako? Hindi ako sigurado kung pati ikaw ay umaasang pwede pa tayo. Dahil kung oo, ako na ang gagawa ng paraan para bumalik lang tayo sa dati. Kahit na masaktan ako ng paulit-ulit, mapasakin ka lang ulit. Ganoon ko siya kamahal.
He let go of my cheeks and looked away. Tinungga niya ang alak na hawak niya at bumuntong-hininga.
"S-sagutin mo ako, Zach.." Pilit ko. "Please.."
Bakit ba parang hirap na hirap kang sabihin ang totoo, Zach? Bakit hanggang ngayon ayaw mo pa rin sabihin ang totoo?
I heard him sighed again. Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at pinatong sa akin ang suit na suot niya. "Gabi na. Hahatid na kita." He said, not looking at me.
Dahan-dahan akong tumango at pinunasan ang luha ko. Hinawakan ko ang suit na bigay niya para hindi iyon mahulog sa balikat ko. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at hindi pinakita na nabigo ako sa hindi pagsagot niya.
Buong biyahe ay wala kaming imik na dalawa. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang iniisip ang nangyari kanina.
Bakit hindi mo masagot ang tanong ko, Zach? O baka naman hindi mo talaga ako mahal o minahal talaga?
Ilang taon ang nakalipas pero iyon pa rin ang tanong sa isipan ko. Kung kahit kaunti man lang ba ay minahal mo ako? O talagang ginamit mo lang ako? Pero bakit noong nga panahong magkasama tayo ay ramdam na ramdam ko ang pagmamahal mo sa akin? Ganoon ba ako kauto-uto?
I just want to know the answer but why do I feel afraid now? Now that I've talked to Zach again, why do I feel afraid of what's he's going to say. For the past years without him I said to myself that if he says that he really loves me, I'll come back to him and fully forget about the pain he caused me. That's how I love him.
Hindi sa tanga ako pero gusto ko ding mabigyan ng tatay ang anak ko. Alam ko ang pakiramdam ng kulang ang magulang at ayaw kong maramdaman ng anak ko ang sakit na dinanas ko. Ayaw kong matulad siya sa akin. Ayaw kong masaktan siya.
Sa mga panahon na 'to handa akong sabihin kay Zach ang totoo. Pero gusto ko muna malaman kung mahal ba talaga ako ni Zach bago ko sabihin ang tungkol sa anak ko. Dahil kung hindi naman niya ako mahal, ako na ang lalayo. Ayaw kong ibigay sa kanya ang karapatan niya sa anak ko kung hindi nanan niya ako mahal. Dahil paano niya mamahalin ang anak ko kung ako mismo ay hindi niya mahal?
BINABASA MO ANG
Every Lies of Love (Fernandez Series #3)
RomansaFernandez Series #3 Despite having experienced many heartbreaks and rejections, Jeila Ariexia Avanzano opted to fight for her dreams and did not give up until she achieved her goals. She was adamant about pursuing her aspirations until she met Zach...