"Kiya, nasaan ang calming oil ko?"
Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagkalkal ni Kiya sa bag na hawak niya. Nagmamadali niyang hinanap iyon at nang makita ay agad na binigay sa akin.
Binuksan ko agad iyon at linanghap ang amoy. Napapikit agad ako at pinakalma ang sarili. Nasa kotse na kami ngayon at pauwi sa mansion. Kakauwi ko lang dito sa Pilipinas at kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit.
I've always been calm and relaxed but I just have this feeling na hindi tama.
I inhaled the scent of the calming oil I was holding again, hoping that it will relax me even a bit.
Pero hindi, iba pa rin talaga 'yung binigay niya.
"Paki-akyat na lang sa kwarto ko." Sabi ko sa mga katulong pagkababa ng kotse.
I looked up and I am immediately welcomed by my Dad's wide smile. He smiled widely at me and hugged me. I closed my eyes and sighed.
Its's been what? 7 years? 8? I can't remember at ayaw ko nang alalahanin.
I hugged my father back but I remained my face emotionless. I miss him so much but I don't want to show it.
"I missed you, anak." Dad whispered.
I smiled a bit and looked at his back. My heart immediately clenched when I saw Divine, my stepmother, beside her was my stepbrother, Kean.
She smiled at me but I didn't. When she saw that I didn't care about her presence her smiled faded. I looked away from them and looked at my dad.
"Aakyat na ako. Pagod ako sa flight." Sabi ko at nilagpasan sila.
When I got inside my room I immediately closed my eyes and sighed heavily.
It's not good to be back, I guess.
--
"Miss Jeila! Miss Jeila Ariexia!"
Napapikit na lang ako at pinigilan ang sariling takpan ang dalawa kong tenga. Pinilit kong ngumiti sa mga tao na may mga hawak pa na banner na may picture ko. Nakakatuwa sila pero madalas hindi. Kakarating ko lang dito sa Pilipinas ay kinakailangan ko na agad magpunta sa mall dahil may event ako bukas. Well, trabaho lang naman ang pinunta ko dito.
"Miss Jeila! Fan na fan po ako! Pwede po pa picture! Ay!"
Nagawi ang tingin ko sa gilid ko at nakita ko ang isang batang babae na pilit kumakawala sa hawak ng bodyguards na nakalibot sa akin. Nakita kong bumagsak siya kaya kumunot ang noo ko.
"Ah, excuse me. 'Wag mo silang tulak." Mahinahong sabi ko.
Natakot naman agad ang bodyguard ko at humingi ng tawad. Pwede naman kasi nilang harangin ng maayos, hindi 'yung itutulak pa.
"Ma'am, kailangan po natin bilisan dumadami na po ang nga fans niyo. Mahirap na po harangin." Sabi ng bodyguard sa akin habang hinaharangan ang mga makukulit na fans.
Tumango ako sa bodyguard at mas binilisan ang paglalakad. Hindi ko na rin magawang ngumiti sa mga gustong magpakuha ng picture dahil sa pagmamadali. Agad kaming pumasok sa store na ine-endorse ko. Dahil nga may event ako bukas kailangan ko mamili ng dress. Kaya pumayag ako na i-endorse ang brand na 'to dahil from my experience, maganda talaga ang quality ng mga gown and dresses nila. Hindi ko naman kasi ie-endorse kapag ayaw ko 'yung brand or quality.
Parang niloko ko na din ang sarili at nga fans ko non.
Most artists like to endorse to earn money, kahit pa pangit ang product. They will do it because of money. Hindi ako ganoon. Iba ako sa kanila.
"Ma'am, nandiyan po si Feiyah." Bulong sa akin ng personal assistant ko.
Inalis ko ang tingin sa damit na hawak ko at tumingin sa may entrance ng store.
A girl stepped inside with elegance and class. Psh. Fake. She smiled sweetly at the saleslady and they immediately assisted her.
"Ang fake niya talaga," rinig kong bulong ni Kiya, personal assistant ko.
Hindi ko naman siya masisisi dahil totoo naman. A girl who looks like an angel but little did they know, she is a devil inside. I just ignored the fact na nandito siya at binalik ang tingin sa dress.
"This one is beautiful, I'll get this one." Sabi ko doon sa saleslady. Agad naman siyang tumango.
Buti na lang ay hindi kami nagkita nung babaeng 'yon. Kaya pagkatapos namin ay pinalibutan ulit ako nung bodyguard at sabay sabay kaming lumabas ng store.Diretso lang ang tingin ko sa baba dahil nakakasilaw ang mga flash ng camera nila.
"Omg! Si Zachary Fernandez!"Agad na nawala ang atensyon ng mga tao sa akin at mabilis na tumakbo sa kabilang banda ng mall.
Bumilis ang tibok ng puso ko.
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko at lumingon doon. Nangingibabaw ang maputing kulay niya at ang malakas na dating niya. Kahit madaming tao ang nakapalibot sa kaniya ay kita pa rin siya dahil sa tangkad niya. Napatigil ako sa paglalakad nang magtama ang tingin naming dalawa. Agad akong nalunod sa mga mata niya.
Sa mga oras na ito ay alam ko na kinukuhanan na kami ng litrato ng mga tao. Pero wala akong pakialam.
I kept my gaze at him, showing no emotions.
I stared at his eyes, his eyes that I used to love. His eyes that I thought were full of love but turned out full of lies.
--
BINABASA MO ANG
Every Lies of Love (Fernandez Series #3)
RomanceFernandez Series #3 Despite having experienced many heartbreaks and rejections, Jeila Ariexia Avanzano opted to fight for her dreams and did not give up until she achieved her goals. She was adamant about pursuing her aspirations until she met Zach...