"Uhm, I'm sorry! I must have been insensitive!"
Agad akong umiling nang muling mag-panic si Laurene nang makita ang itsura ko nung sinabi niya ang pangalan ni Zach. Sa totoo lang ay bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Kung nandito si Zach ay mag chance na magkita kami. Sana naman ay hindi lalo na at kasama ko si Zeneia.
Tiningnan ko ulit si Laurene. "Ah, okay lang. Ahm, mauna na ko, ah. Nice meeting you again." I smiled and put my shades and mask back on.
She smiled back. "Nice to meet you again!" Paalam niya at winagayway pa ang kamay ng anak niya.
Kumaway pa ako sa kanila ng isang beses bago tumalikod. Kinuha ko agad ang cellphone ko sa bag at tinawagan si Kiya.
"Saan kayo?" Tanong ko nang masagot niya ang tawag.
[Dito kami sa may frozen foods. Lumayo kami kanina kasi nakita ko si Laurene. 'Di ba pinsan ni Zach 'yon?]
"Oo," sagot ko sa tanong niya. "Pupunta na ako diyan, ah."
Binaba ko din ang tawag at naglakad na papunta sa lugar kung na saan sila. Nang makarating ako doon ay nasa loob na ng cart namin si Zeneia at pinaglalauran ang mga napamili namin. Si Kiya naman ay namimili ng mga chicken wings.
"Anak, 'wag paglaruan ang fruits." Bawal ko sa kanya. Ngumuso naman siya at 'yung bote ng coke na lang ay pinaglaruan.
"Girl, parang nakita ko ata si Zach." Bulong ni Kiya sa amin habang tulak-tulak ko ang cart.
Bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya.
"Kanina kasi ay babalik sana kami doon sa pwesto natin kanina kaso nung makita kong makakasalubong namin siya, lumiko ako. Mukhang nagkasalisi kayo."
Bumuntong-hininga ako. Bakit ba napaka-wrong timing naman?
Buti na lang ay tapos na din kami mamili at nagbayad na lang kami saglit sa cashier. Pagkatapos no'n ay sinabi sa akin ni Kiya na lalagay muna daw niya ang mga pinamili namin sa kotse at pumayag naman ako. Habang wala pa si Kiya ay inaya ko muna si Zeneia sa isang clothing store.
"Mommy, I want this." Turo ni Zeneia doon sa isang heels na kulay gold.
Umiling ako. "That's too high, anak. Hindi pa pwede baka madapa ka."
"But I want that! I promise I will not trip!" She pouted.
I bent down and held her cheeks. "Why do you want heels? Ayaw mo ba nung mga sandals?"
She smiled. "I want to be like you! I want to walk in a long runway too, so I need to practice!"
![](https://img.wattpad.com/cover/254947191-288-k8266.jpg)
BINABASA MO ANG
Every Lies of Love (Fernandez Series #3)
RomanceFernandez Series #3 Despite having experienced many heartbreaks and rejections, Jeila Ariexia Avanzano opted to fight for her dreams and did not give up until she achieved her goals. She was adamant about pursuing her aspirations until she met Zach...