12

308 7 4
                                    

"Hindi ka ba talaga makakapunta?" 


I pouted as I reached Zach's arm para mayakap ko iyon. Nakaupo kami ngayon sa sofa ng condo niya habang nanonood ng movie. Sunday ngayon at bukas ay aalis ako papunta ng New York dahil may Fashion Show ako. Pinapasama ko sana si Zach kaso may mga projects daw siya at photoshoot. Nakakalungkot pero wala naman akong magagawa, kailangan niya magtrabaho.


"I'm sorry, baby. I tried to cancel it but my manager won't let me." He caressed my cheek. "Babawi ako, promise." He smiled and planted a kiss on my forehead.


"Okay." I pouted. Humiwalay ako sa kaniya at tumayo para kumuha ng tubig sa kitchen. Hindi ko alam pero naiiyak ako dahil doon. 


'Yung Fashion Show kasi na 'yon ay very special sa akin. It's my first time to have a Fashion Show with that brand. Iyon din ang pangarap kong brand, nagsisimula pa lang ako sa modeling ay pangarap ko na iyon. Gusto ko sana na makasama si Zach at makita niya ang lakad ko para sa brand na iyon. 


At isa pa..


Sakto kasi na 'yung Fashion Show ay birthday ko din. Hindi ko alam kung alam ni Zach 'yon. Saka.. bigla ko din na-realize na ang dami pa naming hindi alam sa isa't isa kahit na kami na. Though, alam naman ng maraming tao ang birthday at ibang details sa akin pero wala naman nababangit si Zach na alam niya. 


Napabuntong-hininga ako nang maramdamang niyakap ako ni Zach habang nakatalikod ako sa kaniya. Pumikit ako at sumandal sa dibdib niya. Masyado naman akong nagiging clingy ngayon, hindi na ata tama. 


"Sorry.." He apologized again.


Ngumiti ako. "Okay lang. Naiintindihan ko naman." 


"Babawi ako." He removed his hug from me and made me faced him. "Date tayo."


I smiled again and encircled my arms to his waist. "Okay!"


Sabay kaming napalingon sa pinto nang may mag-doorbell. Humiwalay ako kay Zach para mabuksan niya ang pinto. Ako naman ay hinugasan ang baso na ginamit ko at binalik sa ref ang lalagyan ng tubig. Pagkatapos ay sinundan ko si Zach sa may pinto para makita kung sino ang nasa labas. 


Nanlaki ang mata ko at agad na namula nang makita si Hanson Fernandez! Omg! Omg! Ang gwapo niya! Shet!


"Oh my.." Bulong ko. Mukhang napansin naman nila ako kaya napalingon sila parehas sa akin. Napatingin sa akin si Hanson at ngumiti. Agad akong ngumiti at naglakad papunta sa kanila.


"Hi!" Bati ko.


Ngumiti naman siya at nagtatakang tumingin kay Zach. "Hello.. Familiar ka..hehe" 


Napakagat ako ng labi nang marinig ang boses niya. Shet! Parang nakalimutan ko na boyfriend ko pala ang pinsan niya. 


"Model! Ikaw 'yung ka-model nitong kumag na 'to?! Pero wait, ba't nandito ka sa condo ni Zach?! Nako ano 'to?! Porn?!" Nagulat ako sa bigla niyang pagsabi ng mga ganoon.

Every Lies of Love (Fernandez Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon