21

339 6 3
                                    

"Sobrang kinakabahan ako, Kiya. Anong gagawin ko?!" 


Nagpapanic na hinarap ko si Kiya habang may hawak-hawak na dalawang damit. Ang isa ay black sleeveless jumpsuit ang isa naman ay white puff sleeve midi dress. Kanina pa kasi ako dito sa closet ko paikot-ikot dahil wala akong mapiling damit. Paano ba naman kasi ay kanina lang sinabi sa akin ni Zach na doon kami magdi-dinner sa bahay nila kasama ang mga pinsan niya at magulang niya, in short, ang mga Fernandez!


Nagalit pa nga si Kiya at bigla ko siyang pinapunta dito sa condo ko. Kanina kasi ay siya ang una kong tinawagan nung malaman ko na mami-meet ko pala ang mga Fernandez ngayong gabi! 


"Ano ba, Jeila. 'Wag ka nga masyadong kabahan! Be yourself!" Sabi niya sa akin at kinuha ang dress na nasa kaliwang kamay ko. "E 'to na lang ang suot mo, bagay sayo!" Tukoy nya doon sa white puff sleeve midi dress.  


Kinakabahang tumango ako at naglakad pabalik sa closet. Binalik ko doon ang isa kong hawak na damit bago lumabas ulit at pinatong ang dress na napili ni Kiya sa kama. Nakaligo na ako kanina kaya naka bathrobe lang ako ngayon. Umupo ako sa may vanity chair ko at nagsimula nang mag-makeup. Si Kiya naman ay nasa likod ko dahil siya ang mag-aayos ng buhok ko. I just did a simple makeup. Dinutch braid naman ni Kiya ang buhok ko. My look is beautifully simple. 


Ramdam ko ang lamig ng palad ko habang tinitingnan ang sariili sa  salamin. Hindi ako mapakali. Feeling ko ay hihimatayin ako. Mas matindi pa ata ito sa kaba ko kapag may fashion show ako. 


"Okay lang ba itsura ko?" Paulit-ulit ko na tanong kay Kiya at mukhang naiinis na siya.


Tumayo siya mula sa kama at hinawakan ang balikat ko. "Jeila, ikaw pa mismo nagtatanong 'yan? Sa ganda mong 'yan hindi mo na kailangan mag-ayos. Kahit nga bagong gising pwede ka na magpakita kay Zach." 


Medyo napalunok naman ako nang sabihin niya iyon. Naalala ko bigla 'yung umaga na gumising ako katabi ni Zach, hiyang-hiya pa ako no'n! Tumakbo agad ako papunta sa cr para maghilamos dahil baka mamaya ay may tulong laway pa ako! Ito namang si Zach ay tawa ng tawa matapos akong saktan nung gabing 'yon. 


"E, nakakakaba kasi talaga, Kiya. Nakita ko kaya sa 'yung Thalia Laurene, sobrang ganda!" I nervously said.


"Oh e, ano naman? Pinsan naman 'yon saka may pangit ba sa mga Fernandez?" Umiling ako. "Oh, wala 'di ba." Tumawa siya. "Pero seryoso, 'wag kang kabahan. Mababait naman ang mga Fernandez." 


Tumango ako sa kanya at huminga ng malalim. Totoong mabait ang mga Fernandez. I once saw a post about them na 'yung mga parents nilang magpipinsan ay may ginawang project about rescuing stray dogs. It warmed my heart lalo na at mahilig din ako sa mga aso. Hindi nga lang ako makapag-adopt dahil walang mag-aalaga kapag nasa ibang bansa ako. But I might just get a dog kapag lumuwag na ang schedule ko.


Ilang sandali pa kaming naghintay ni Kiya sa condo hanggang sa kailangan na niyang umalis dahil may date pa daw siya. Ayaw naman niya sabihin kung sino ang ka-date niya. Pagkaalis naman niya ay saktong dumating na din si Zachary.


"Don't be nervous, love." Zach peck a kiss on my lips and held my hand tight. Nanginginig ako!

Every Lies of Love (Fernandez Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon