Tinuloy nga ng kinikilala niyang ama ang sinabi nito. She's no more
a legal daughter of the Azures.
Gamit ang perang ibinigay nito ay nakakuha siya ng maliit na
apartment . Malapit din iyon sa school niya.
May natira pa siyang pera nagamit niya kasi
ang pera pangtuition niya. magpapasukan na kasi.
Mag-aaply na lang siguro siya as student-assistant
para may pangtustos siya. Iniisip niya kung kakayanin ba ng
kikitain niya ang expenses sa school. Private pa iyon.
"Kaya ko ito!", sabi niya sa sarili. Nagdala siya ng ilang
papeles na kailangan niya para mag-apply as S.A.
"Ang tagal mo naman", si catherine. Mag-aaply din ito as S.A para
may kasama daw siya.
"Sorry, may inayos pa ehh"
Napalingon sila sa tilian ng ibang estudyanteng nag-eenroll.
Napakunot siya ng noo sa pagdaan ng isang lalaki. May suot itong
salamin sa mata. Makapal at medyo mahaba ang buhok. Matangkad din ito.
Nakasuot ito ng jacket na kulay itim. Nagkasalubong ang tingin nilang
dalawa.Nakadama siya ng paninikip ng dibdib.
"Sienna.. ayos ka lang?", tanong ni catherine..Nakahawak kasi siya
sa may dibdib niya.Nahihirapan siyang huminga. Inalalayan siya ng
kaibigan na maupo.
"I'm...fine...Mainit lang siguro",pinagpapawisan siya.
"I'll buy some water.. dito ka lang", umalis na ito. Hinahanap niya
ang lalaki pero wala na ito.
"Ang gwapo talga noh", narinig niyang sambit ng isa sa mga estudyante.
"Balita ko.. bagong prof daw", sagot ng kausap nito.
"Sana maitoka sa klase natin..",isinandal niya ang kanyang ulo.
Ano ba ang nangyari kanina?
"Here, inumin mo ito",bumalik na ang kaibigan dala ang tubig.
"salamat"
"Ayos ka lang ba talga?", hinipo nito ang noo niya. Ngumiti siya
dito.
"I'm fine... ipasa na natin itong mga requirements baka mahuli
pa tayo", tumango lamang ito.
BINABASA MO ANG
The Borrowed life [a vampire story] //COMPLETED
VampireWhat if you only have a few time left on earth? Sienna's life was been borrowed from a vampire .Nakatakdang bawiin iyon sa kanya on her 18th birthday. May paraan ba para mahinto iyon? Matutulungan ba siya ng kanyang mga kaibigan o ang bampira mismo...