Panay pa rin ng hikab ni Sienna. Maaga kasi siyang
pumasok,hindi pa naman siya sanay sa ganoong oras.
Wala naman siyang choice. Need niyang pumasok ng maaga
kasi may kailangan pa siyang gawin sa Dean's office.
"Mukhang nalugi ka ahh", si catherine iyon. Naupo ito sa
tabi niya. Nakasalumbaba lang siya sa arm-chair niya.
It's their first class for this semester.
"Alam mo naman hindi ako sanay gumising ng maaga. Nasira
tuloy ang beauty rest ko", angal niya.
"May nakaupo ba dito?", boses ito ng isang lalaki. Nkita niyang
nagulat ang kaibigan kaya nilingon niya ang nagsalita.
"You!!!", sigaw niya.Naupo ito sa upuang katabi niya. Kapag minamalas ka nga naman
"Yes", prente itong sumandal.
"Hindi ka ba pwedeng pumwesto sa iba?", pagtataray niya.
"Bakit?wala naman sigurong nakaupo dito", sagot nito.
Nagsi-upo na ang mga kaklase niya nang pumasok ang professor.
Nagtilian pa ang mga kaklaseng babae. Ito ang lalaking nakita nila
sa hallway.
"Quiet class", awat nito. Sinulat nito sa board ang pangalan.
Prof. Slate Lorenzo
"I'm Professor Slate Lorenzo", pakilala nito. Tumitig uli
sa kanya. Bumilis muli ang tibok ng puso niya.
"Are you ok?", bulong sa kanya ni Catherine.
"I'm fine",pinagpapawisan uli siya.
"Nakakita lang ng gwapo pinagpapawisan na", bulong ng lalaking
katabi. Hindi na lamang niya ito pinansin.
SInabihan sila na ipakilala ang mga sarili.
The most hated part, she thought.
"I'm Brix Sander.. 17 years old",pakilala ng katabi niyang lalaki.
So,Brix pala ang pangalan nito.
"I'm Sienna...", she paused for a moment. "Azure", nanlalambot siyang
naupo.She's no longer an Azure pero iyon pa rin ang gamit niya.
Ni hindi niya alam kung saang pamilya ba talaga siya mula.
sumunod ng magpakilala ang mga kaklase niya.Lutang pa rin ang utak
niya.
Sino ba talga si Mr. Slate Lorenzo bakit nagakakaroon ng kakaibang reaksyon ang katawan niya tungo dito.
BINABASA MO ANG
The Borrowed life [a vampire story] //COMPLETED
VampireWhat if you only have a few time left on earth? Sienna's life was been borrowed from a vampire .Nakatakdang bawiin iyon sa kanya on her 18th birthday. May paraan ba para mahinto iyon? Matutulungan ba siya ng kanyang mga kaibigan o ang bampira mismo...