Chapter 20

3K 52 1
                                    

"Slate!!! SLate!!", tawag niya sa lalaki. Masyado kasing mabilis

ang lakad nito.

Nasa ibang bayan uli sila. Kanina pa niya napapansin na tila mailap

ang lalaki.

"ano bang problema nun?", tanong niya kay Harry.

"Ewan..Inaway mo siguro", sagot nito.

"Ako??? bakit ko naman gagawin iyon?"

"Baka lang..iyon kasi ang gawain ni Catherine kapag ngpapapansin"

Binatukan ito ng kaibigan na nasa likod nila. Napangiwi ang lalaki.

"Anong sabi mo??", tanong ni Catherine.

"wala", sagot ni Harry dito. "kita mo?",bulong sa kanya. 

Akmang hahampasin pa ulit ito ng kaibigan pero umilag ito.

Napapansin niyang kakaiba ang kilos ng dalawa pero hindi namn niya matanong

ang kaibigan dahil baka hindi niya ito mapaamin.

"Tubig ohh",alok sa kanya ni Brix.

Kinuha niya iyon at ininom. Kahit na hindi niya tinanggap ang pag-ibig

nito ay hindi nagbago ang pakikitungo nito sa kanya.

"Salamat"

Nasa isang kagubatan sila. Doon muna sila magpapalipas ng gabi.

Abala ang mga iba pa niyang kasama sa pagtatayo ng tent habang

si Slate ay naiidlip habang nakasandal sa isang puno.

Lalapitan niya sana ito pero bigla itong bumangon at lumayo sa kanila

"Slate!!", tawag niya dito pero hindi siya pinansin nito.

Sumunod siya dito.

"May problema ba slate???", hindi pa rin umiimik ito.

Mas bumilis pa ang lakad nito hanggang nawala sa paningin niya.

"Slate naman ehhh!!", himutok niya.

Naglakadlakad muna siya habang sinisipa ang isang bato.

"Ano ba kasing problema niya!", himutok ni Sienna.

Napatili siya ng mahulog sa isang bangin. Hindi niya napansin iyon

dahil naiinis siya sa lalaki. Malalim iyon.

Tiyak niyang lasog-lasog siya pagbagsak.

Akala niya mamamatay na siya.

Tumingin siya sa sumalo sa kanya.

"Slate!!", tawag niya dito. Pero hindi ito ang lalaki.

"sino ka?", agad siyang humiwalay dito.

Isa ba itong halimaw?? Siya rin ba ang pakay nito?

"Huwag kang matakot... Ako si Jake",pakilala nito. Umatras siya.

Umupo lamang ito. "Hindi mo ba gustong tulungan kitang makalabas?",

sagot nito.

Hindi siya maaaring magtiwala dito. Tumingin siya sa itaas. Hindi

pa ba magsisidatingan ang mga kasama niya.

Lumapit ang lalaki sa kanya. At nag-anyong isang pusa.

Hindi niya malalaman kung matatakot ba siya o hindi. Ito marahil

ang pinakacute na halimaw na nakita niya.

Kinagat niya ang labi para pigilan ang pagngiti. Hindi talaga niya

magawang matakot dito.

"Oo na..hindi ako mukhang halimaw...Halika't ilalabas na kita"

"Hindi mo ako kakainin???", tanong niya

"Kahit may tatak ka pa ng bloody rose hindi kita kakainin..ang mga uri ko

ay walang kakayahan.. Baka mapaslang pa ako kung sino man ang nagmamay-ari

ng puso mo", sagot nito.

Hinapit nito ang beywang niya at umakyat na sa bangin gamit ang matutlis

nitong kuko.

"SIenna!!!", tawag sa kanya ni Slate at hinila siya nito palayo sa

lalaking kasama.

Nanlisik ang mata nito. Ganoon din ang ginawa ni Jake.

"Slate..huwag mabait siya",lumingon sa kanila ang lalaki.

"Isa talga siyang halimaw?? ang cute niya para doon", komento ni

Catherine. Kasunod ito ni Slate nang dumating. Hinila ito ni Harry

at dinala sa likod nito.

"mas cute ba talga siya sa akin?", sagot ni Harry. Hindi na lamang

ito sinagot ng kaibigan.

"Slate..niligtas niya ako", dugtong niya dahil tila hindi naniniwala ang

lalaki.

"totoo ang sabi niya.. hindi ko kayo sasaktan", sagot ni Jake.

"Jake..jake!!!",boses iyon ng isang batang babae.Yumakap ito sa lalaking

pusa nang makita ito. "Sorry na...bati na tayo", yumakap din ang pusa

dito. At tumingin sa kanila.

"Aalis na kami..Alisa tayo na",yaya nito sa bata pagkatapos ay bumalik 

na sa dating anyo nito. 

"Jake, saglit lang..salamat", tumango lamang ito at ngumiti habang kumakaway sa kanila ang

batang babae.

The Borrowed life [a vampire story] //COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon