"WOW! ang ganda dito",kakababa lamang nila ng sasakyan.
"Tama ka ang ganda.. Akalain mo may lugar pa pala tulad nito", sambit
ng kaibigan.
Maraming puno sa paligid. It's so refreshing there. May mga ibon pang
mga lumilipad. Malaya silang nakakalipad unlike those birds sa zoo.
"Tulala ka diyan", boses iyon ni Brix. Hindi niya io nilingon.
"Napakaganda kasi dito",komento niya.HIndi niya napansin ang
pagtalim ng mata ng binata dahil nakaitig si Harry sa kanya.
Nakaupo ito isang putol na puno.
"Class!!!", tawag ni Sir Lorenzo. Nagsilapit sila dito.
Inihati sila nito sa grupo. Kasama nito ang isa sa mga aeta.
tatlong araw silang mananatili doon upang obserbahan ang mga gawain
ng mga aeta.
Kasama niya sa grupo sina Brix, Catherine at Harry.Binase kasi ito sa
seating arrangement nila.
Inayos na nila ang tent na tutulugan nila para mailapag na rin ang mga
gamit nila. Sinabihan sila ng propesor na huwag lalayo sa lugar
nila.
"Hay nakakapagod!",humiga siya sa loob ng tent.
"Napagod ka na agad? wala pa nga tayong ginagawa", komento ni catherine.
Naupo ito sa tabi niya.
"Parang magcacamping tayo noh"
"Hindi toh camping noh. Nkasalalay dito ang midterm exam natin", ito
na kasi ang exam nila for midterm.
"Ganoon na rin iyon", sagot niya.
"Tara kain na tayo", yaya sa kanila ni Harry. Nakangiti lamang ito.
"Hindi ka ba marunong sumimangot?", kunot noong tanongng kaibigan niya.
"Mas cute ako kapag nakangiti di ba Sienna?", baling nito sa kanya.
tumawa lang siya at tumango. Sumunod na sila dito.
"Nawiwirduhan ako sa kanya", si cat.
"Ngayon ka lang kasi nakakita ng lalaking panay ang ngiti", sagot niya.
Inabutan sila ni Brix ng pagkain.
"Salamat",sabay na sagot nila.
"Mamaya maglibot tayo", tumango lamang sila. Sisimulan na kasi nila
ang pagoobserve.
BINABASA MO ANG
The Borrowed life [a vampire story] //COMPLETED
VampireWhat if you only have a few time left on earth? Sienna's life was been borrowed from a vampire .Nakatakdang bawiin iyon sa kanya on her 18th birthday. May paraan ba para mahinto iyon? Matutulungan ba siya ng kanyang mga kaibigan o ang bampira mismo...