Chap.25

2.9K 43 0
                                    

"Brix,nasaan ba talga si Slate", nasa mansyon na sila nito pero

wala ito doon.

Sabi sa kanya nina Brix ay nrito daw ang lalaki at naghihintay sa kanila.

Wala ito ng gumising siya.

Luma na ang mansyon nito pero matibay pa. Nagtataka siya kung bakit

tila may mga crystal na nakalibot sa labas ng mansyon. Mukha kasi itong bago

ibang iba sa itsura ng mansyon.

"ahhh.. Darating din iyon..baka lumabas", sagot nito.

"Sige lalabs muna ako", sago niya dito. Pero hinila nito ang braso niya.

"Ang habilin ni Slate huwag ka daw palalabasin pagdating natin dito"

"Bakit naman!", nakakunot ang noo niya

"ilang araw na lang kaarawan mo na..Umaali-aligid ang mga halimaw",

babala nito.

Padabog siyang naupo sa tabi nito at bumuntong hininga.

Nasaan ka na ba slate?

-------

"Happy Birthday",bati sa kanya ni Brix. Kaarawan niya na pero hindi

man lang nagpakita si Slate sa kanya. Hindi rin siya pinalalabas ng

mansyon.

Nakadungaw siya sa bintana. Madilim na at bilog pa ang buwan.

"Birthday ko nga..masaya ba??", humarap siya dito.

"Nasaan ba kasi Slate..may nililihim ba kayo sa akin!!", sigaw niya dito.

Nasa sariling silid siya.

Naiirita at nag-aalala na siya sa lalaki. May nangyari ba ditong masama?

Tatlong araw na itong di nagpapakita sa kanya.

Hindi rin dumating ang sinasabi nilang papaslang sa kanila.

"Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano.." sagot nito at umupo sa kama.

May hawak din itong mga rosas pero wala siya sa mood na kunin iyon.

"hahanapin ko si Slate..Magpapasama ako kay Harry kung nag-aalala kayo",

papalabas na siya ng silidpero hinawakan nito ang kamay niya.

"Bitiwan mo ako!!", sigaw niya dito.

"Hindi ka pwedeng lumabas dito ka lang!!"

"Anong hindi pwede...mapipirmi lamang ako dito kapag nandito na si

Slate.. baka may nangyari ng masama sa kanya"

"Sienna,makinig ka na lang kay Brix... Mas delikado kapag lumabas

tayo. At tungkol kay Slate....nasa malapit lang siya Sienna kaya

huwag kang mag-alala", si Harry iyon.

Naupo siya sa kama. Nararamdaman niyang malapit lang si Slate pero

nais niyang makita ito.Umabot nga siya sa araw ng kaarawan niya pero

hindi naman niya ito kasama.

Tumingin muli siya sa bintana. Ano ba talagang nangyayari?

The Borrowed life [a vampire story] //COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon