Chapter 6 (Bloody rose)

4.6K 74 2
                                    

Kasalukuyan siyang nagpapahinga. Iyon ang gawain niya sa nakalipas na 17 taon.

Mas mahina kasi ang katawan niya habang nasa ibang tao ang puso niya.

Ang puso niya na nagsisilbing buhay para sa iba.

Ang puso niyang nasa kamay sa isang dalaga at nakatakdang bawiin niya upang maisalba ang sariling buhay

"nakakaawa ka naman dark", tinig iyon ng isang lalaki. 

"Manahimik ka na lang diyan harry!"

Tumawa lamang si Harry. Tawang punong puno ng pang-aasar.

"Mahirap bang pigilin ang sarili? Napakabango niya dark. Alam

mong mas masarap ang amoy ng isang mortal habang nasa kanila ang

puso ng isang makapangyarihang bampira"

Totoo ang sinabi nito. at mas malaki ang tyansa na maraming halimaw

ang magtungo dito upang gwing pagkain ang dalaga, hindi lamang siya.

Ilang linggo n lamang.


Ilang linggo na lang ay maibabalik na sa kanya ang kanyang pagmamay-ari.

"It's getting sweeter pagdating niya ng disiotso. At tiyak lilitaw na rin ang bulaklak ng kamatayan",si harry. Naupo ito sa ibabaw ng nakasarang kabaong.

Tahimik lamang siya. Napakahirap pigilin ang sarili. Tila iyon pagpigil na huwag galawin ang pagkaing nasa harap mo kahit napakasarap niyon.

"Labing pitong taon mo siyang binabantayan. Natatakot ka bang

may ibang makinabang sa hapunan mo?", tanong nito.

Tumawa siya ng pagak.

"Sino bang may nais agawan ng pagkain?"

Pero iyon lang ba talga ang dahilan, bulng ng isipan niya. Iyon lang, mariin rin niyang tanggi.

"Tila isa kang anghel na nagbabantay sa kanya pero hindi niya alam ikaw si kamatayan", umalis na ang lalaki.

Kamatayan? o mas tamang sabihing demonyong nagpapanggap na anghel. Na nagpapatikim ng ligaya na pangsamantala at ang kapalit ay kaligayahan

Pilit niyang inaalis ang ngiti ng babae sa isipan niya at ang sanggol

na inaabot ang kamay sa kanya.

-----

"Pakiusap...buhayin niyo ang anak ko", tinig iyon ng isang babaeng naghihingalo.


"Sayang wala pa yata akong miryenda ngayon", hindi siya kumakain ng nilalang na naghihingalo na.

Pihikan siya. Masama kaya sa katawan ang double dead.

The Borrowed life [a vampire story] //COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon