Kakarating lamang nila sa isa sa mga lugar na sinabi ni Harry.
Parepareho silang nakasuot ng itim na hood kapareho
ng mga suot ng mamamayan doon.
"May ganito palang klase ng lugar sa pilipinas", bulong niya. Normal
naman ang itsura ng bayan pero parang hindi normal ang nararamdaman
niya.
"Hangga't maaari ay huwag kayong lalayo sa amin", bulong sa kanya ni
Harry. Nasa likod lamang nila ang guro. Bakit nga ba pinoprotektahan
siya nito?
Namula siya ng maalalang hinalikan niya ito.
"May problema ba?", tanong sa kanya ni catherine.
"I'm fine..",sagot niya.
Dinala sila ni Harry sa isang inn. Kumuha sila ng dalawang silid.
Kakaiba ang tingin sa kanila ng mga nilalang doon.
"ANg weird nila", sagot ng kaibigan. Humiga na ito sa kama.Pati pala
ito ay naramdaman ang kakaibang aura sa lugar na iyon.
Sumilip siya sa bintana. Tila na sa isang disyerto sila. Maraming
buhangin at ang mga bahay ay kahawig ng mga bahay na nakikita niya
sa kwento nina aladin.
"tama ka", sagot niya. Isinara niya ang bintana.
"Matulog na muna tayo",suhestyon niya. Tumango namn ito.
Maggagabi na. Kinakailangan nila ng pahinga.
-----
Nagising siya dahil sa ingay na naririnig sa may bintana. Nakarinig
siya ng ang tila pagpapagaspasng mga pakpak. Tulog pa si Catherine. Sumilip siya sa bintana.
Mula ito sa isang lalaking may itim na pakpak. May kausap ito. Pero
Hindi niya makita kung sino. Agad siyang nagtago ng bigla itong lumingon
sa kinappwestohan niya.
Narinig niya ang paglipad nito papalayo.
una bampira, babaeng ahas, lobo, goblin, tapos ngayon lalaking
tila uwak?.. ano kaya sa susunod?
Minabuti niyang bumalik sa pagtulog. Hindi naman ito sumugod hindi siguro ito isang badya sa kanila.
"Gising na!!!", tinig iyon ni dwarcy.Bumangon naman siya.Napasigaw pa
siya dahil nasa harap nito ang guro.
"Sir!!"
"Tawagin mo ako sa pangaln ko habang narito tayo. Bumangon ka na
nang makaalis na tayo", lumabas na ito ng silid.
Wala na rin ang kaibigan sa tabi niya.
"nuh ba yan hindi man lang ako ginising ni Catherine!", kinuha niya na
ang gamit at may nahulog na papel doon.
Pinulot niya iyon.
"kung nais mong makitang buhay si Brix ay magpunta ka sa isang
abandonadong warehouse na nasa gitna ng bayan. Huwag kang
magsusumbong kay Slate. Kailangan ay ikaw
lamang ang magpupunta rito", may lagda iyon ni Harry.
Anong ibig sabihin nito?
BINABASA MO ANG
The Borrowed life [a vampire story] //COMPLETED
VampireWhat if you only have a few time left on earth? Sienna's life was been borrowed from a vampire .Nakatakdang bawiin iyon sa kanya on her 18th birthday. May paraan ba para mahinto iyon? Matutulungan ba siya ng kanyang mga kaibigan o ang bampira mismo...