Chapter 11 [Dwarcy, the goblin]

3.3K 57 2
                                    

Inalalayan niya ang guro papasok sa isang kweba. Malapit iyon

sa kanila. Sumusunod lamang ang maliit na nilalang sa kanila.

"Panginoon.. hindi ko po sinasadya", hingi nito ng tawad sa kasamang guro.

Tila nanghihina ito. Inalalayan niya ito sa pag-upo pero itinulak

siya nito.

"huwag kang lalapit sa akin!", sigaw nito. Nanlilisik ang mga mata nito 

at nagsilabasan ang mga pangil.

hindi niya alam kung bakit ito nagagalit. Pumikit na ito.

"Huwag kang lalapit sa akin",pagbabadya niya sa maliit na nilalang. Umupo ito 

sa tapat niya.

"naku...hindi ko alam na nasa pangangalaga ka niya... Sumusunod lamang

ako sa utos ng ibang halimaw",sabi nito.

Hindi niya alam kung nagsasabi ba ito ng totoo.

"Bakit nanghihina si Sir Lorenzo?",tanong niya.

"Isa siyang bampira..Nanghihina siya dahil naexpose siya masyado

sa araw at marahil hindi pa siya nakakatulog sa kabaong niya", sagot nito

Nilingon niya ang guro. Kaya pala may pangil ito. Isa pala itong bampira

"Ikaw!!may tatak ka ng Bloody Rose!!", dugtong nito.

"a..anong Bloody rose?", tumawa ito at tinakpan ang bibig. Hindi pa rin

nagmumulat ng mata ang guro.

"Hindi ako nagbibigay ng impormasyon ng walang kapalit..Isa akong

goblin tandaan mo", kinailangan niya ng impormasyon tungkol sa kaniya.

Kinuha niya ang kanyang singsing. Yari iyon sa tunay na pilak.

"iyan!! magsalita ka na"

"Yan ang tatak na nagpapatunay na nasa iyo ang puso ng isang demonyo.

Ipinagkakaloob ito sa isang taong patay na o naghihingalo at binibigyan

sila ng pagkakataong mabuhay hanggang labing walong taon.Pagkatapos niyon

ay babalik ito upang kunin ang puso niya at kakainin  ang taong

pinagkalooban niya niyon", sagot nito.

17 na siya at malapit na siyang magdisiotso. Lumalakas ang kabog ng

dibdib niya. Mamamatay na ba?

"Maaari ko bang malaman kung sino ang nagbigay sa akin ng hiram kong

buhay?", tanong niya.

"Ang panibagong impormasyon ay may katumbas na kabayaran", sagot muli

nito. Tinanggal niya ang  suot na hikaw.

"Huwag mong ibigay sa kanya",mahinang sagot ni Mr. Lorenzo.

"Panginoon.."

"Manahimik ka goblin...may naririnig akong paparating... gumawa ka ng

isang ilusyon para maitago tayo",wala siyang naririnig na paparating

"May kabayaran ang bawat hiling", tumalim ang tingin nito.

"Buhay mo ang magiging kabayaran kapag hindi ka sumunod", seryosong

sabi nito. Tumalima naman ang inutusan dahil na rin sa takot.

"Ayos ka na ba?", tanong niya dito.

"hindi ba't sinabi kong wag kayong lalayo sa may boundary... marmng

halimaw na paligid ligid sa labas niyon"

"Pasensya.. paano mo pala ako nasundan"

"Nag-aalala si Catherine sa iyo sinabi niya ay umalis ka kasama ng isang

batang aeta", napayuko siya.

"Dapat ko ba silang iwasan?", tanong niya. Ang tinutukoy niya ay mga kaibigan

"Hindi ko alam sa'yo pero pakiramdam ko kahit iwasan ka nila ay susunod

pa rin sila sayo.Maswerte ka dahil may kaibigan kang tulad nila",

umiyak siya. Maswerte tlaga siya sa mga ito. Laging nakaagapay sa kanya

si Catherine pati rin si Brix at si Harry.

Naramdaman niyang hinila ng guro ang braso niya at naihilig siya

sa dibdib nito.

"Matulog ka muna...Makakaalis din tayo dito kapag naka-ipon na ako

ng lakas", sago nito.

HIndi niya alam kung bampira ba talga ito dahil mainit ang katawan nito

sa kanya.

"Salamat", usal niya at tuluyan ng natulog.

The Borrowed life [a vampire story] //COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon