Agad niyang pinuntahan si Slate ng mabitawan siya ng lalaking
uwak dahil abala inaalam nito kung paano makakawala sa malahiganteng sapot.
"Slate..slate...Ayos ka lang ba?",bumangon muli ang binata.
May mga galos ito pero muling naghihilom.
"Pumikit ka.. at siguraduhin mong hindi ka titingin",utos nito. Sumunod
naman siya.
Narinig niya ang pagsigaw ng lalaking uwak. Napalunok siya.
"Pwede ka ng dumilat", boses iyon ni Slate. Tumayo siya. Nagsiliparan
ang mga abong nakadikit sa sapot.
Si harry. Muntik niya ng makalimutan. Pinuntahan niya ang tatlo.
"Cat.. si Harry??", tanong niya. Tumingin sa kanya ang dalaga.
"hindi siya humihinga!!..wala ring tibok ng puso", pangingiyak nito.
Yakap yakap lamang nito ang katawan ni Harry.
"Slate bakit mo ginawa iyon?", tanong niya dito. Wala na ba talaga si
Harry?
"Stop pretending Harry. Bumangon ka na at aalis na tayo", sabay-sabay
silang apat na napalingon sa nagsalita at sunod ay sa binatang akap-akap
ni Catherine.
Itinulak agad nito ang lalaki. Buhay pa nga ito at nakangiti sa
kanila.
"Ikaw!!! namatay ka na lang sana!!", sigaw ni catherine. Tumatawa lamang
ito.
"hindi na siya humihinga...huhuhu....Nakalimutan nito bang bampira ako?", inirereenact nito ang sinabi ng kaibigan. Hindi tuloy niya napigilan ang matawa.
"Walang hiya ka Harry!!", sususgurin sana nito ang binata pero pinigilan
niya ito.
"Salamat pala slate", sabi ni Harry. Nakatingin silang lahat dito.
"Ano bang nangyari?", tanong niya.
"Pasensya na Brix ha.. nasa ilalim kasi ako ng kapangyarihan ng isang
uwak. Iyong tinapos niyo kanina. Inalis lang ni Slate ang balahibong
nakahalo sa buhok ko", amin nito. Tumango lamang si Brix.
Sabay-sabay silang lumabas ng warehouse. Panay pa rin ang asaran nina
Cat at Harry.
huminto sila pansamantala nang may makitang isang babae. Maganda ito
at maalon ang buhok.
BINABASA MO ANG
The Borrowed life [a vampire story] //COMPLETED
VampireWhat if you only have a few time left on earth? Sienna's life was been borrowed from a vampire .Nakatakdang bawiin iyon sa kanya on her 18th birthday. May paraan ba para mahinto iyon? Matutulungan ba siya ng kanyang mga kaibigan o ang bampira mismo...