"Dark...balak mo talagang mahimlay diyan???", si Harah iyon.
"Anong ginagawa mo rito?", mahinang tanong niya. Nasa labas lamang siya
ng mansyon at natatakpan ng mga krystal. isang linggo na siyang naroon.
Lagi niyang naririnig ang pagiyak ng dalaga mula sa silid nito.
"Nais ko lang sanang bumisita..pero nahihirapan akong pumasok sa loob
dahil sayo", naroroon siya para magsilbing pananggalang. Hindi nakakapask
ang mga halimaw dahil sa kanya.
"Umalis ka na"
"Hindi lang ako ang paparating na bisita dark..parating na rin ang ilan
pang bisita", sagot nito.
Nararamdaman niya na ang mga aura nito. Hindi magangdang idea kung lalabas
siya mula sa krystal. Nagsisilbi rin iyong tiga kontrol ng urge niya.
"Hindi ko hahayaang makalapit kayo sa kanya" tumawa ito.
"magkakapareho lamang tayo ng tadhana dark..."
"Miranda??", boses iyon ni Sienna mula sa silid nito.
"Paniguradong magtataka si Sienna,kung hindi ako makakapasok", bulong
nito.
"Kamusta ka na Sienna?", tanong ni Harah dito.
"Pumasok ka muna.." yaya ng babae.
"Paano ba yan dark...siya mismo ang nagyaya", bahagyang nagcrack ang
ilang krystal dahil sa galit niya.
Hindi ba talga nag-iisip ang dalaga. Umakyat si Harah at tinungo ang
bintana nito. Hinayaan niyang makapasok ito doon.
Paparating na rin ang mga uwak. Malaking gulo ito.
--------
"Bakit ka nga pala ngpunta rito?', tanong niya sa babaeng nasa bintana.
"Nais ko lang makita ang sitwasyon mo?Kamusta ka naman?",
yumuko siya.
"Magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi..Isang linggo ng hindi
nagpakita sa akin si Slate..ni hindi ko alam kung na saan siya", tumawa
ito.
"nandiyan lang sya sa tabi-tabi... hindi mo lang alam", sagot nito.
BINABASA MO ANG
The Borrowed life [a vampire story] //COMPLETED
VampireWhat if you only have a few time left on earth? Sienna's life was been borrowed from a vampire .Nakatakdang bawiin iyon sa kanya on her 18th birthday. May paraan ba para mahinto iyon? Matutulungan ba siya ng kanyang mga kaibigan o ang bampira mismo...