"Sienna, andyan si dean?",pumasok sa loob ng dean's office si brix
kung saan kasalukuyan ay duty siya.
napakunot ang noo niya.
"Wala siya dito .. ano ba ang kailangan mo sa kanya?"
Naupo ito sa isang bakanteng upuan. Wala ang mga prof doon pati na
rin ang iba pa niyang kasamang SA.
"Hindi ito tambayan brix", saway niya dito.
"Inaantay ko si Dean", sagot nito. Sinisilip pa nito ang ilang files
na nasa ibabaw ng desk.
"Wag mo nang pakielaman iyan",kinuha niya ito at inalagay sa isang
drawer.
"Ang sungit mo... may red tide ba?"
"Alam mo maige kung mamaya ka na lang bumalik", hinawakan niya ito sa
braso pero hinila siya ng lalaki kaya napaupo siya sa kandungan nito.
"Ano ba!!!", agad siyang lumayo dito. "Ang maniac mo!!"
"Maniac agad??? Ikaw itong naupo sa akin ako pa ang maniac", tumawa pa ito.
"Hoy Brix..wag mo nga akong baligtarin!! umalis ka na nga dito"
Sumunod naman ito.Nakasalubong pa nito papasok si Catherine.
"Oh anong nangyari sa'yo?", salubong kasi ang kilay niya.
"Paano ba naman iyang si Brix ang aga-aga kung mang-inis"
"I think he likes you", umupo ito sa inupuan ng binata.
"Likes you..likes you ka pang nalalaman diyan"
"Sa tingin ko lang Sienna.. Lagi siyang nagpupunta dito sa oras na
duty ka"
"So what's your point?"
"Nothing.. kutob ko lang ehh type ka niya", ngumiti pa ito.
"Magtigil ka nga Cat.. isa ka pa ehhh.. Ano nga pala ang ipinunta mo dito?",
Pumasok na rin ang iba pang SA.
"Kain tayo..Maglulunch na tska may klase pa tayo mamaya", napatingin
siya sa relo. May pasok pa nga pala sila.
"Oo nga muntik ko ng makalimutan. Tara", nagpaalam na sila sa ibang SA.
-------
Inilapag na ni SIenna ang iniorder niyang pagkain.Kasunod niya
BINABASA MO ANG
The Borrowed life [a vampire story] //COMPLETED
Ma cà rồngWhat if you only have a few time left on earth? Sienna's life was been borrowed from a vampire .Nakatakdang bawiin iyon sa kanya on her 18th birthday. May paraan ba para mahinto iyon? Matutulungan ba siya ng kanyang mga kaibigan o ang bampira mismo...