"Bakit mo ba kami tinipon dito?", tanong ni Brix.
Tatlong araw na lang bago ang kaarawan ni Sienna. habang mas tumatagal
ay tumitindi ang urge sa katawan niya.Hindi niya alam kung kailan niya
mapipigil ang sarili.
Mahimbing ang tulog ng dalawang babae sa kanilang tent.
Patungo sila sa panghuling bayan sa listahan ng mga ito. Ang
bayan niya.
"Malapit na kayo sa panghuling bayan..ang bayan kung saan ako nakatira
... malapit na rin ang nakatakdang araw.. kinailangan niyong dalhin
si Sienna sa mansion ko...", siya.
" 'niyo'?.. anong ibig sabihin niyon?hindi ka ba sasama sa amin?",
si Brix muli ang nagtanong habang nananahimik sina Harry at Dwarcy.
"hindi ko na kayo masasamahan mula dito...si Harry ang sasama sa inyo
patungo doon", sagot niya.
"Bakit? Hahanapin ka ni Sienna!", sigaw nito.
"iyon ang nakakabuti sa kanya..", tumayo siya at nilapitan ito.
"Kahit anong mangyari gawin mo ang lahat para makalimutan ako ni Sienna
at ikaw ang ibigin niya", tinalon niya ang isang puno malayo dito.
SUmunod sa kanya si Harry.
"Sigurado ka ba sa gagawin mo?", tanong nito.
"Kasalanan ko ito... nilabag ko ang isa sa mga batas ng lahi natin tulad
ni Harah..nagmahal ako ng isang mortal"
"katulad ko..", singit ni Harry. Alam niya na ang tungkol dito at kay
Catherine.
Nakakatawang isipin na pareho pala sila ng sitwasyon.
"Alam mong mamatay ka kapag ginawa mo ito", dugtong niya. Ngumiti
lamang siya.
"Isa lang ang maaari sa aming mabuhay alam mo iyan"
"Pero tiyak kong kapag nalaman niya ito masasaktan siya..mahal ka niya
Slate"
"Sa tingin mo ba hindi ko alam?... naniniwala akong masasanay din
siya na wala ako. Nandiyan si brix... kaya niyang ibigay kay Sienna
ang kaligayahang hindi ko kayang ibigay", nasasaktan siya sa sinabi.
"Ganun ganun na lang ba Slate... Hindi ka man lang ba lalaban?
Isusuko mo na lang ba siya kay Brix?" Pinapahirapan ba nito ang kalooban
niya.
"Hindi kaduwagan Harry ang hindi lumaban... Mas kaya kong makita siyang
kasama ang iba kaysa mawala siya sa sarili kong mga kamay.. "
Umiling lamang ang lalaki.
"Kapag dumating ang araw na mawala ako sa sarili. Gumawa ka ng paraan
para mailayo sakin si Sienna at mapatay ako",paalala niya dito.
Bumuntong hininga lamang ang kausap at bumaba na.
Tinitigan lamang niya ang buwan.
"Sienna..patawarin mo ako kung hindi ko kayang tuparin ang isa sa mga
pangarap mo kasama ako"
BINABASA MO ANG
The Borrowed life [a vampire story] //COMPLETED
VampireWhat if you only have a few time left on earth? Sienna's life was been borrowed from a vampire .Nakatakdang bawiin iyon sa kanya on her 18th birthday. May paraan ba para mahinto iyon? Matutulungan ba siya ng kanyang mga kaibigan o ang bampira mismo...