"Lord Dark..huwag mong sabihing umiibig ka sa kanya",komento ng goblin,
Dwarcy ang pangalan nito. Ito ang kasasama niya sa paglalakbay noon. Nagkahiwalay
sila noong nagkaroon ng enkwetro laban sa ibang uri ng halimaw.
"imposible iyon!", sagot niya. Mahimbing ang tulog ng dalaga. Tumawa ang
goblin.
"nakakapagtatakang hindi mo pa rin siya kinakain gayong napakalapit
niya sa iyo at nanghihina ka pa"
"hindi pa ito ang panahon",sagot niya.
"hindi ba't masyado ng matagal ang pag-iintay mo? Naaawa ka ba sa kanya?"
"Gusto mo ba iparamdam ko sayo kung gaano ako kawalang-awang
nilalang"
"Nagbibiro lamang ako...",pilit na ngumiti ang kausap.
"sino ang nag-utos s'yo na dakpin siya?", tanong niya.
"Ang mga itim na ibon... panginoon", napalingon siya
sa malayo kaya pala nakarinig siya ng ilang pagaspas sa paligid.
Isa iyon sa pinakamalakas na halimaw.Mabuti na lamng at agad silang
nakapagtago dahil nanghihina siya.
Kanina'y natataranta siya nang nalamng nawawala ang dalaga. HIndi niya
rin ito naramdaman sa lugar na pinoprotektahan ng kapangyarihan niya.
Pananggalng iyon laban sa mga ibang halimaw na nais biktimahin
ang dalaga. Ngayon ay hindi niya magamit dahil nasaid ang buong lakas
niya.
Tinitigan niya ang dalaga. Hindi lamang ito isang pagkain para sa ibang
halimaw kundi isang tropeyo. Dahil kapag nakain ng iba ang puso niya
ay iyon din ang tiyak niyang kamatayan.
Pinipilit niyang pigilin ang sarili. HIndi niya alam kung bakit
pero hindi niya magawang saktan ito.
Imposible ang sinasabi ng goblin. Imposibleng umiibig siya dito
dahil hindi alam ng mga halimaw ang ibig sabihin niyon. At hindi siya
isang eksepsyon.
Pumikit siya ng maramdamang kumilos ang dalaga. Akala niya ay magigising
ito pero yumakap lamang ito sa knya ng mahigpit.
Tinapik niya ito ng marahan paramakatulog.
BINABASA MO ANG
The Borrowed life [a vampire story] //COMPLETED
VampireWhat if you only have a few time left on earth? Sienna's life was been borrowed from a vampire .Nakatakdang bawiin iyon sa kanya on her 18th birthday. May paraan ba para mahinto iyon? Matutulungan ba siya ng kanyang mga kaibigan o ang bampira mismo...