Hinatid siya ng guro sa tinitirhan niyang apartment.
"Bakit nakabukas ito?", tanong niya.
"Hindi mo ba naisara ito ng umalis ka?", tanong ng lalaki.
"ang alam ko naisara ko ito", hindi niya gawaing iwang bukas ang
bahay kapag umaalis siya. Ang lalaki ang unang pumasok sa loob.
Nasa likod siya nito.
"Anong ginagawa niyo dito?", tanong ng lalaki.
Tinignan niya kung sino ang tinutukoy nito. Naroroon ang tatlo.
SI brix, si catherine at si harry. Nakatali sa upuan ang huli.
"Pinuwersa nila ako", nakangiting sambit ng lalaking nakatali.
"Bakit narito kayo?", tanong niya. Agad na lumapit at yumakap sa
kanya si Catherine.
"Mabuti ligtas ka... Narito kami para tulungan ka", sagot nito
"Anong ibig niyong sabihin?", tanong niya. Sumandal ang guro sa pader.
"Alam na namin ang tungkol sa marka mo at paano ka maililigtas sa
kamay ng tatapos sa iyo", si brent iyon.
"Tama siya Sienna.. May paraan ",nakangiting sagot ni Brix at inalalayan siyang
maupo sa sofa. Naalala niyang binigyan nga pala niya ito ng susi
sa tinitirhan niya.
"Baka naman pwede niyo na akong pakawalan", si Harry iyon. HIndi
siya pinansin ng dalawa at nagtuloy lamang ito sa pagsasalita.
"Anong paraan ang tinutukoy niyo?", tanong niya sa mga ito.
"Kailangan mamatay ang halimaw na nagbigay sa iyo ng puso"
"Nahihibang na ba kayo?"
"Kailangan nating subukan Sienna",si brix.
"mamatay kayo.. tayo kapag itinuloy niyo iyon", sagot niya.
"Alam namin... pero gusto naming tulungan ka", sagot ni Cat.
Tumawa si dwarcy.
"Sino yun?", tanong ng kaibigan
"Tiyak mamamatay lang kayo sa gagawin ninyo!", sagot ni dwarcy.
"Nagsasalitang parrot?", kunot noong tanong ng kaibigan.
BINABASA MO ANG
The Borrowed life [a vampire story] //COMPLETED
VampireWhat if you only have a few time left on earth? Sienna's life was been borrowed from a vampire .Nakatakdang bawiin iyon sa kanya on her 18th birthday. May paraan ba para mahinto iyon? Matutulungan ba siya ng kanyang mga kaibigan o ang bampira mismo...