chapter 5 (hallucination?)

4.3K 83 1
                                    

"We are going to discuss about pre-spanish period", paninimula ni Slate.

HISTORY!!! nakakaantok talaga but no choice magpeprelims na kasi ehh, bulong ni Sienna sa sarili

"I hate history",komento ni Brix at humikab pa.

Oh the feeling is mutual

"Manahimik ka na lang pwede?", itinitake down niya ang sinasabi ng guro.

Nararamdaman niyang nakatitig sa kanya si Brix.

"Brix, pwede ba huwag mo akong titigan!", saway niya dito.

Naman ang hirap na nga magfocus kasi inaantok ka na nga tapos may mokong pa sa tabi mo.

"ANg dami mo namang request... tahimik naman ako ehhh. Tyaka.... ang cute

mo talaga", lumingon siya sa kabilang direksyon. Kumakabog na namn

ang dibdib niya.

letseng puso, ang landi kasi

"Nagbablush ka", narinig niyang sabi ng binata.

"Hindi kaya!"sigaw niya. Natakpan niya ang sariling bibig.Naktingin

sa kanya ang lahat ng mga class mates niya. Samantalang tumatawa

lang si Brix.

"May problema ka ba sa mga negritos Ms. Azure?", tanong ng guro.

Itong negritong katabi ko ang problema, nais isatinig ni Sienna.

"Ah...wala sir..wala..sorry po", sagot niya. Nagpukol siya

ng masamang tingin sa binatang katabi.

Pinipigil pa nito ang pagtawa.

Ang hudyo!!bwisit!!

"Ano ba kasi iyang ginagawa niyo?", bulong sa kanya ni Catherine.

"Wala..wala...aray!", may tumama sa kanyang maliit na bagay. Papel iyon

na nakarolyo pero maliliit lang. Lumingon siya sa posibleng pinanggalingan

niyon.

Patay sakin ang mga kulugong may gawa niyon

Nakita niya ang mga lalaki sa likod na gumagawa niyon at ipinipitik para matamaan ang guro.

HIndi niya alam kung niloloko ba siya ng kanyang mata. 20/20 ang vision

niya pero parang mali ang nakikita niya.

Sa una parang tatamaan ang guro but in a moment ay sa board na tumatama

iyon. Nababakas niya ang inis sa kabataang gumagawa nun.

Nililipad siguro ng hangin.

"Nababaliw na ba sila?", narinig niyang sabi ni Harry. Nakangiti pa rin ito.

Napakunot ang noo niya.

SInong nababliw? yung mga negritos ba? o ako?

HUmarap na ang guro pagkatapos magsulat sa board.

"SIR!!!", tumayo siya para warningan ang prof. 

"Sienna, ano ba", saway sa kanya ni Catherine

Muli niyang tinignan ang guro. HIndi iyon tumama ang papel dito bagkus ay sa kamay na nito ang iyon.

"Ano yun ms. Azure?"

Tumatawa ng marahan si Harry.

Patay na! 

"S-sir magccr lang po....catherine samahan mo ako", bulong niya sa katabi.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita niyang ngumiti ang guro.

"cat.. nakita mo iyon?", sabi niya rito pagkalabas nila ng classroom

"Yung alin?"

"Ngumiti si sir Lorenzo"

"Alam mo kanina ka pa, nakailang eksena ka na sa room. Kulang ka lang sa tulog kaya kung ano ano ang nakikita at naiisip mo"

"Cath naman.. nagsasabi ako ng totoo. Nakita ko lahat ng iyon. Pustahan pa tayo"

"Sienna, matatalo ka lang dahil wala kang katibayang mapapakita sa akin"

Huminga siya ng malalim. Nag-hahallucinate lang kaya talaga siya?

"Pero mas gwapo si sir kapag nakangiti", bulong niya.

"Ano yun Sienna?"

"Sabi ko bilisan na natin at baka magpaquiz pa iyon"

The Borrowed life [a vampire story] //COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon