Chapter 18

3.1K 50 3
                                    

"May patutunguhan ba itong paglalakbay natin?",tanong niya

kay Catherine. Ilang linggo na kasi silang naglalakbay.

"ang sabi ay kusang lalapit ang halimaw na nagbigay sa iyo ng buhay

kapag malapit ka dito.. Baka malayo pa tayo", sagot nito.

Nasa isang rented house sila.

"Cat.. sa tingin ko kailangan na nating bumalik...wala ng patutunguhan

ito!!", gusto niya ng panghinaan ng loob. Wala naman talagang katiyakan

ang ginagawa nila eh.

"magtigil ka nga!! Nakarating na tayo dito. ituloy na lang natin",

huminga na lamng siya ng malalim. Nasa labas ang mga lalaki at nagsasanay

daw.Sumilip siya sa bintana.

Naglalaban sina Slate at Brix gamit ang espada. Pero parang hindi 

nagpapractice ang dalawa kundi nag-aaway talaga.Lumabas siya kasama

si Catherine.

"Anong nangyayari dito?", tanong niya kay Harry. naupo sila sa tabi nito

"Ayon naglalaban sila!", sagot nito.

"Naglalaban?" bulalas niya.."Bakit sila naglalaban?"

"Para sa iyo", sagot nito.

"Para sa akin??", ulit niya.

"Sienna, hayaan mo n lang sila.. away lalaki iyan", si Catherine ang

nagsasalita.

Pinanood na lamng niya ang dalawa. Napasinghap siya ng tumilapon ay

espada ni Slate. Susugurin pa ito ni Brix.

Napatayo siya.

Nahawakan ni Slate ang kamay ni Brix at ibinagsak ito sa sahig. Naagaw

din nito ang hawak nitong espada at itinutok dito.

"ANG NANALO...SI SLATE!!", sigaw ni Dwarcy.

Binitawan na ni slate ang binata at inalalayan itong tumayo.

"Ano bang problema niyo??", tanong niya sa dalawa.

Tinapik lamang siya ni Brix s balikat at naupo sa tabi ni Harry.

Si Slate naman ay dirediretsong pumasok sa loob ng bahay.

Tumingin siya sa ibang kasama pero nagkibit lamang ito ng mga balikat.

-------

Humiga siya sa kama.Hindi niya ugaling patulan ang kapritso ng isang

bata pero nagawa niya iyon dahil ang babae na ang pinag-uusapan

"Slate!!", nilingon niya ang binata. Iniabot sa kanya nito ang isang espada.

"What do you want?",tanong niya dito.

"Gusto kong maglaban tayo!!", panghahamon nito sa kanya.

"hindi ako pumapatol sa bata", nilamapasan niya ito.

"Naduduwag ka ba Slate na baka matalo kita?Kapag nanalo ako, hindi

ka maaaring lumapit kay Sienna"

"Nahihibang ka na", naramdaman niya ang pagsugod nito.

Gumanti siya. Nakita niyang lumabas ang dalaga. Sino bang lalaki

ang nais matalo sa harap ng babeng mahal niya?

Mahal?? nahihibang na ba talaga siya?

Nabitawan niya ang hawak na espada. Nakita niyang tumayo ang dalaga

at lalapit sa kanila. Agad na niyang naibagsak ang binata dahil masyado

itong naging kampante.

Hindi niya makahrap sa dalaga. Kinakailangan niyang mag-isip at umiwas

dito dahil hindi niya nais na matulad sa nangyari kina Harah.

-----------

"Dwarcy...bakit tinatawag na Dark si Slate?", naalala niya kasi na ilang

beses na iyon ang tinatawag sa lalaki.

"Iyon ang ngalan nila bilang halimaw.. si Miranda ay Harah ang ngalan",

sagot ng Goblin. Nasa labas pa rin sila.

"Ikaw harry meron kang ibang pangalan?", tanong ni Catherine dito.

"Wala... pangmatatandang halimaw lang iyon noh", sagot nito.

"Bakit ilang taon na ba si Slate?", tanong ni Brix.

"Hindi ko alam,pero mas matanda siya sa akin. Ako kasi naabutan ko pa

noong barilin si Rizal.. Nakita ko nga kung sino talaga ang bumaril

sa kanya", pagmamalaki nito.

"Talaga??", bulalas nilang tatlo.

"Bakit hindi mo siya niligtas? O kaya dapat kayo na lang ang nakiharap sa

mga espanyol?",tanong ni Catherine. Tumawa naman ito.

"Sino na lang ang magiging bayani niyo kung nagkataon?? Edi wala

kayong holidays", tawa-tawang sagot nito.

Tumawa rin siya. In fairness hindi rin pala boring maging imortal.

Nagpaalam na siya para makapagpahinga. Wala siyang choice kundi ituloy

ang paghahanap nila kung sino man ang hinahanap nila.

The Borrowed life [a vampire story] //COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon