Chapter 10 (brix and Sienna)

3.6K 66 1
                                    

It's their last day ng pagoobserve sa mga aeta.

"This is our last day here. Maaari niyong gawin ang gusto niyo

pero hindi kayo pwedeng lumampas sa boundary na inilaan ko..

and don't forget to gather more informations kung kailangan niyo",

si Mr.Lorenzo.

"Sienna, tara papicture tayo", yaya sa kanya ni catherine.

"Next time na lang", lumakad siya palayo dito.

"Sienna!!", tawag sa kanya nito pero hindi niya pinansin ito.

May humawak sa braso niya.

"Sienna,may problema ba?", si Brix iyon.

"Wala!", pilit niyang iniaalis ang kamay nito.

"Hindi kita maintindihan. Kanina hindi ka sumabay sa amin kumain.

Alam mo bang nag-aalala sa'yo si Catherine?"

"Hindi niyo kailangan mag-alala sa akin. Please bitiwan mo ako",

humigpit pa lalo ang pagkakahawak nito.

"Hindi kita bibitawan habang di mo sinasabi kung bakit iniiwasan

mo kami! Tungkol ba ito sa nangyari sa may falls?"

"Wala ka ng pakielam kung ano man ang dahilan ko!",paninigaw niya.

"May pakielam ako Sienna...dahil Mahal kita", nabigla siya sa sinabi nito.

Pati ang binata ay parang nabigla sa nasabi..

"look Sienna... Hindi ko naman ipinambabribe ang pag-ibig ko sa iyo..

Handa naman akong mag-antay hanggang sa mahalin mo din ako pero sa akin

lang kung ano man ang dahilan wag mo naman kaming iwasan..dahil nahihirapan kami...ako",

pakiusap nito.

Nakawala na siya sa pagkakahawak nito.

"Mas makakabuti sa inyo kung hindi kayo magiging malapit sa akin",

mahinang sagot niya.

"Sienna.."

The Borrowed life [a vampire story] //COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon