Hindi pa rin siya umaalis sa kinatatyuan. Pinagmamasdan pa rin niya
ang pag-alis ni Jake kasama ang isang munting bata. Nagsi-alisan na
rin ang mga kasama niya maliban kay Slate.
Hindi niya ito nililingon.
"Ano bang ginagawa mo sa bangin na yan?",tanong nito habang itinuturo
ang bangin kung saan siya nahulog.
"eh ano nga ba ang ginawa ko kaya iniiwasan mo ako", tanong niya.
Humalukipkip siya.
"What do you mean?", tanong nito.
"Maglalakadlakad muna ako", naglakad siya palayo dito.
"Ano bang problema mo Sienna!", sigaw nito habang nakasunod sa kanya.
"Wala akong problema baka ikaw", sigaw niya. Hinawi niya ang baging
na nakaharang sa dinadaanan niya.
"Don't act like a child!",paninigaw nito.Humarap siya dito.
"So what if I'm acting like a child?? Ano ba kasing dahilan at parang iniiwasan
mo ako", hindi ito nakatingin sa kanya. Alam kasi nito na kapag tumitig
siya sa mga mata nito ay naninikip ang dibdib niya.
hindi ba talga maaaring matitigan niya ito sa mga mata?
"Dahil ito ang nakakabuti", sagot nito.
"Nakakabuti???para sa iyo..eh para sa akin??", sagot niya.Hindi na
talaga niya mapigilan ang sariling damdamin. HIndi ba nito alam na
nahihirapan siya tuwing lumalayo ito sa kanya.
"Sienna..."
"Slate...iilang araw na lang ang itatagal ko.. at hindi ko kaya..
hindi ko kaya kung sa kapirasong panahon ko ay iiwasan mo pa ako..
pinahihirapan mo ako",pangingiyak niya.
Lumapit ito sa kanya.
"Sienna..hindi ko nais pahirapan ka",umatras siya.
"Kung hindi mo pala gusto bakit ka umiiwas??"
"Dahil hindi nararapat na mapalapit ako sa'yo"
"Hindi nararapat?? Pati ba naman ang mahalin ka ay pinagbabawal??"
natutop niya ang sariling bibig. Sinabi niya bang mahal niya ito?
"Sienna..hindi dapat!!", sigaw ng lalaki.
"Damn you... kahit magsisisigaw ka diyan..walang tenga ang puso
ko kaya hindi ka niya naririnig...", napa-upo siya.
"sa tingin mo ba hindi ko sinubukan pigilan ang damdamin ko??pero hindi
ko kaya... The more I convince myself not to love you..the more na
napapamahal ako sa'yo...
"Bampira ka at ako isang mortal... tulad nina khali..pero masaya si khali
bago siya namatay dahil natagpuan niya ang kanyang pag-ibig...Ako slate
hindi mo man lang ba ako hahayaang maging masaya sa piling mo..Ilang
araw lamang slate", pangingiyak niya.
Lumapit ang lalaki sa kanya at niyakap siya.
"I'm sorry..", sabi nito sa knya. Hinihimas himas nito ang buhok niya.
Isiniksik niya ang sarili sa mga bisig nito.
"huwag ka ng umiyak",alo sa kanya nito.
Niyakap niya ang lalaki at umiyak. Hinyaan niyang mapgod siya sa
kakaiyak hanggang sa makatulog siya.
"Mahal din kita Sienna", sambit ni Slate pero hindi na niya narinig pa
iyon dahil nakatulog na siya.
Binuhat na siya nito pabalik sa tent nila at nahiga doon. Kinintalan
niya ito ng halik sa noo at tumungo na sa sariling tent.
BINABASA MO ANG
The Borrowed life [a vampire story] //COMPLETED
VampireWhat if you only have a few time left on earth? Sienna's life was been borrowed from a vampire .Nakatakdang bawiin iyon sa kanya on her 18th birthday. May paraan ba para mahinto iyon? Matutulungan ba siya ng kanyang mga kaibigan o ang bampira mismo...