Silang dalawa lamang ni harry ang naiwan sa labas dahil nagsitulog
na ang mga kasma.
"Bakit hindi ka pa pumasok sa loob?", tanong nito.
"Hindi pa ako inaantok ehh",sagot ni Catherine.
"Ang weird mo", komento ng lalaki.
"Mas weird ka kaya", tumawa lamang ang lalaki.
"You know... masyado kang matapang para sa isang mortal", napatingin
siya dito habang nakatingin ang lalaki sa malayo.
"Paano mo naman nasabi iyan?"
"You insisted this, kahit alam mong delikado", ang tinutukoy nito
ay ang paglalakbay nila."and... nagawa niyong itali ako sa upuan knowing
na hindi ako ordinaryong tao"
"Hindi ko makakayang pabayaan si Sienna sa oras ng kinakailangan niya ako.
If hindi talaga magbabago ang nakatakda at least alam ko sa sarili ko
na may ginawa ako para sa kanya...Tyka hindi ka kasi nanlalaban noon
at tawa ka lamang ng tawa habang tinatali ka namin", iyon kasi
ang tunay na nangyari. Tumatawa lamang ito at hindi nanlalaban nang
kornerin nila ni Brix.
"hindi ka ba natatakot"
"hindi", mariing tanggi niya pero s totoo lamang ay labis siyang natatakot.
"ako natatakot... natatakot ako n baka mahulog ang loob ko sa isang mortal..
Natatakot ako na baka hindi ko siya mapasaya... Natatakot ako na baka
sa bandang huli ako ang maging dahilan ng mga luha niya", tumingin
ito sa kanya. Si Sienna ba ang tinuukoy nito?
Lagi niya kasi itong nahuhuling nakatingin sa kaibigan. Umiwas siya ng
tingin ayaw niyang ipahalata na nasasaktan siya. May gusto siya dito
pero hindi niya sinasabi sa kaibigan.
Kaya nga ganoon na lamang ang kaba niya ng makita itong tila walang
buhay noong nasa warehouse.
Naramdaman niyang hinawakan siya nito sa kamay. Lumingon siya dito.
"Hindi ka pa naman inaantok diba?? Samahan mo muna ako", hindi na
siya nakatanggi dahil agad siya nitong binuhat at tinalon ang bubong
ng tinutuluyan nila.
"Anong gagawin natin dito?",humiga naman ang lalaki. Sumunod naman siya dito.
BINABASA MO ANG
The Borrowed life [a vampire story] //COMPLETED
VampireWhat if you only have a few time left on earth? Sienna's life was been borrowed from a vampire .Nakatakdang bawiin iyon sa kanya on her 18th birthday. May paraan ba para mahinto iyon? Matutulungan ba siya ng kanyang mga kaibigan o ang bampira mismo...