Chapter 15 (isang kaibigan o kalaban?)

3.1K 56 2
                                    

Pinuntahan niya ang sinasabing lugar. Nagdaan siya sa emergency exit

para hindi mahalata ng mga ito ang pag-alis niya. Nagsuot rin siya ng ibang damit para hindi agad

mahalata ng mga ito.

Hindi niya maaaring hayaang mapahamak si Brix.

"Harry!!', sigaw niya.

lumabas ang binata. Nanlilisik ang mga mata nito. Sinasakal nito

si Brix gamit ang braso nito habang ang mga kuko nito ay nakatapat sa

leeg ng lalaking mortal.

"Harry.. bitiwan mo si Brix", tumawa pa ito.

"Sienna...Sienna..Sienna...Hindi mo ba alam kung gaano kasarap ang

amoy mo?",natatakot siya sa tinig nito. Hindi ito ang kilala niyang si Harry..

"Tumupad ako sa kasunduan natin.. Kaya pakawalan mo na siya", sigaw

niya.

"Hindi mo ba alam na isa rin akong halimaw? Hindi ganoon kabait ang

mga halimaw ng katulad ko kaya bakit naman ako tutupad sa isang usapan?"

"Harry..ano ba..pakiusap pakawalan mo na siya",narinig niya ang

pag-ungol ni Brix.. "Brix!!"

"Sienna...huwag kang lalapit...", sagot nito.

"Tumahimik ka!!", sinampal nito ang bihag na binata. Nagdudugo ang

labi nito.

Lalong nanlisik ang mata ni Harry dahil sa nakitang dugo. Dugo...isa itong bampira kaya maaaring hindi nito mapigil ang sarili.

Kakagatin nito ang binata. 

"Huwag!!", sigaw niya. Napapikit siya. Hindi niya nais mkita ang mangyayari.

"Bitiwan mo ako!!",sigaw iyon ni Harry. Dumilat ulit siya ng mata.

"Slate!!!", sigaw niya. Hawak nito sa leeg ang lalaki. Nasa sahig namn

si Brix..

"huwag Slate!!",sigaw ni Brix. Nakaporma na ang lalaki para patayin si Harry.

"Huwag!!!", sigaw nilang pareho. Bumagsak sa sahig ang batang bampira.

Napa-upo siya sa panghihina.Hindi niya nakita kung ano ang ginawa nito.

Patay na ba si Harry?

"Harry", si catherine iyon.. kakadating lamang nito. Lumapit siya sa lalaking walang malay. Si

Brix naman ay nakatulala lamang sa mga ito.

"Slate..anong ginawa mo??...anong ginawa mo kay Harry!!", sigaw

nito yakap-yakap nito ang lalaking walang malay.

"Sienna!!",sigaw ni slate. Natauhan siya sa tinig nito. Naramdaman

niyang umaangat siya sa lupa. na naman?

"Huwag kang lalapit Dark..!!", tinig iyon ng lalaking nasa likod niya.

Napansin niyang may itim at malalapad itong pakpak. 

Dark? Sinong dark? si Slate?

"Dwarcy.. bantayan mo silang tatlo!",utos nito at lumapit na sa kanila.

"oh dark..paano mo ako lalabanan gayong nanghihina ka??", Nagpalabas

ng malakas na hangin ang lalaking uwak gamit ang kaliwang kamay nito.

"Slate!!", tumalsik ang binata.

Tumayo muli ito para sumugod pero bumagsak uli ito dahil

sa kakagwan ng lalaki.

"Tama na pakiusap", tawa lang ang itinugon sa kanya ng lalaki.

Huminto sa pagpagaspas ang pakpak nito.

"Anong?", sagot ng lalaking uwak.

kaya pala hindi ito makagalaw. Natrap ang pakpak nito sa malaking sapot.

The Borrowed life [a vampire story] //COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon