Chapter 17

3.4K 55 3
                                    

"Harah!!", tawag niya sa babaeng nagtatangkang pumasok sa silid ni

Sienna.Gabi na at tulog na ang karamihan sa mga iyon.

Alam niyang tutungo ito doon.

"Dark!", sagot nito. Iyon ang mga pangalan nila bilang isang halimaw.

"HIndi mo naman siguro balak kuhain kung alin ang akin", nakasandal

lang siya sa pader malapit sa pintuan ng silid ng dalaga.

"Hindi ba pwedeng ito ang kapalit ng aking pagtulong?", sagot ng babae.

"Hindi ko hinihingi ang tulong mo Harah. Huwag mong

lalapitan si Sienna kung gusto mo pang mabuhay", pagbabadya niya dito.

Meron pang hindi alam sina catherine tungkol sa bloody rose. Isang

paraan pa ay kung makakakain ng ibang puso ang halimaw maliban

sa bloody rose ng mga ito.

"Miranda!!", tawag dito ni khali. Nalalanghap niya ang amoy nito.

Malapit na ang oras nito.

Inalalayan nito ang babaeng aswang palabas.

Pati ito ay biktima ng sariling damdamin... Magiging biktima rin ba siya

ng damdamin na hindi niya maintindihan kung ano.

Pinagmasdan niya ang pinto patungo sa silid ng dalaga.

"Sienna...", pumasok na siya sa loob ng silid. Kinakailangan niyang

magpahinga.

-------

Kakatapos lamang nila mag-almusal.

Naglilibot siya sa loob ng kagubatan malapit sa tahanan nina Khali.

Sinundan niya ang paru-paro. Napakaganda ng pakpak nito.

Bumilis ang paglipad nito kaya saglit na nawala sa paningin niya.

Nahanap niya ulit ang paru-paro pero natrap na ito sa isang

sapot. Naroroon ang gagamba na mambibiktima dito. Tutulungan niya

sana ang paru-paro na makalipad pero bigla niyang narinig ang

isang tinig.

"Isang Paru-paro para sa almusal", isa iyong babae namaraming kamay.

Tila isa itong gagamba. Bumuga ito ng sapot at agad siyang

naka-ilag.

"Huwag k ng tumakbo", muli itong bumuga. Natamaan ang paa niya at

nadapa. Makapit ang sapot niyon.

Lumapit sa kanya ang babaeng gagamba. Napalingon siya sa isang anino.

Si Slate iyon!.

The Borrowed life [a vampire story] //COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon