"Aray", ginagamot ni Catherine ang sugat niya. Nasa loob na sila ng
tent. Sabi nito ay ayos lang daw si Brix. Galos lamang ang natamo nito.
"Ano ba kasi ang nangyari sayo?", hindi niya alam kung ano ang sasabihin
dito. Tahimik lamang siya.
"I told you... ang weird talaga ng Harry na yun..",kumunot ang
noo nito. "At kailan ka pa nagpatattoo ng ganyan sa dibdib mo?"
"hindi ko alam kung maniniwala ka", sagot niya.
"hindi ka ba nagtitiwala sa akin?", tinitigan siya nito.
Ikinuwento niya kung kailan niya nakita ang bulaklak sa dibdib niya
at yung nangyari kanina.
"Parang gusto kong hindi maniwala. Pero nakita ko kung paano
nag-iba ang ekspresyon ni Harry. Kanina nang duamting siya para
gisingin ako ay hindi na ito ang Harry na kilala natin. He's serious"
Tumango lamang siya. HIndi niya alam kung ano ba talaga ang nangyayari.
"The snake woman uttered something..sabi niya ang bulaklak..", hawak
niya ang bulaklak na binigay ni Brix sa kanya. Halos paubos na ang
petals niyon.
"Cat, natatakot ako...pakiramdam ko itong bulaklak ang tinutukoy niya!",
tinuturo niya ang pulang marka sa dibdib niya.
"shhh... Sienna, huwag kang matakot... nandito lang ako", napayakap
siya sa kaibigan. Ano bang kababalaghan ang nangyari sa kanya?
------
"Sienna, ayos ka lang ba?", tanong sa kanya ni Brix. Mabuti na lamang
ay galos lamang ang natamo nito.
Ngayon ang ikalawang araw nila doon. Makakasurvive ba siya?
"Ayos lang,medyo hirap lang maglakad", pilit siyang ngumiti.
Naupo ito sa tabi niya. Nasa di kalayuan si Catherine kasama si Harry.
Malayong malayo ito sa lalaking nakita niya kagabi.
"sorry.. kasalanan ko kung bakit ka napahamak"
"Hindi Brix... wala kang kasalanan nagpapasalamat nga ako sa iyo
dahil dinala mo ako doon", madalas kasi ay nasa bahay lamang siya.
Hindi siya nais dalhin ng kinikilalang ama kapag nagoout of town ang
mga ito.
Nais pa yata nitong pag-usapan ang nakita nila kagabi pero nanahimik
na lamang ito dahil baka napansin yata nito na hindi niya nais pag-usapan
iyon.
Pinagmasdan niya ang guro. Kausap nito ang isa sa mga aeta. Kung nais
talaga niyang malaman ang katotohanan ito marahil ang dapat niyang
lapitan.
------
Dahan-dahan siyang lumabas ng tent at nagtungo sa tent ng guro.
"Ano ang kailangan mo?", agad itng nagsalita ni hindi pa niya
tinatawag ito.
"Nais..kong makausap ka",lumabas ito ng tent. Hindi ito nakatingin sa
kanya.
"Sundan mo ako", sumunod siya dito. Nagtungo sila sa isang puno..
Medyo malayo ito sa pinanggalingan nila. Hanggang doon lang ang boundary
na inilaan sa kanila at lumampas sila ng nagdaang gabi.
"Ngayon ano ang kailangan mo?", tanong nito at naupo sa isang
malaking ugat.
"Sino talaga kayo?...", tanong niya dio. Hindi parin ito tumitingin sa
kanya.
"Ano sa tingin mo?"
"ahmm...hindi..hindi.. kayo tao",mahinang sago niya.
"good...matalino ka naman pala"
"Bakit...bakit.. nais akong biktimahin ng mga nilalang na iyon!",
tanong niya pero hindi ito sumagot.
"Pakiusap..kailangan kong malaman ang dahilan.. may kinalaman
ba iyon sa marka sa dibdib ko?", iniharap niya ang lalaki sa kanya
at tinitigan ang mga mata nito.
Napaluhod at napahawak muli siya sa kanyang dibdib.
"Sienna!", hinawakan siya nito sa balikat at inalalayan na maupo sa
tabi nito.
Sumandal siya sa likod nito. Nanghihina siya.
"Hindi ko alam ang isasagot ko sa iyo.. Ang alam ko lang ay isa iyang
sumpa"
"sumpa??",mahinang sagot niya.
"Hindi lang sila ang nais makuha ka. Ang nakaukit sa dibdib mo
ay sumisimbolo na nakalaan ka sa isang demonyo"
bumilis ang tibok ng puso niya. Kinakabahan talga siya.
"Bumalik ka na... kinailangan mong magpahinga", inalalayan
siya nito pabalik. Papasok na ito sa tent.
"Sir", tawag niya dito.
"Bakit?",hindi siya nilingon nito.
"Magiging maayos lang ba ang lahat?", tuluyan na itong pumasok
sa loob ng tent nito. Hindi siya binigyan nito ng kahit anong sagot/
Nasa panganib nga ba siya? Madadamay ba pati ang mga kaibigan niya?
Katulad ng nangyari kay Brix.
BINABASA MO ANG
The Borrowed life [a vampire story] //COMPLETED
VampireWhat if you only have a few time left on earth? Sienna's life was been borrowed from a vampire .Nakatakdang bawiin iyon sa kanya on her 18th birthday. May paraan ba para mahinto iyon? Matutulungan ba siya ng kanyang mga kaibigan o ang bampira mismo...