Chapter 23 [ i want to be with you ]

3.1K 53 2
                                    

Happy Birthday to you

Happy Birthday .. Happy birthday.

Happy Birthday to you

Inawitan siya ng mga kaibigan niya. Mayroong maliit na kandila doon.

Before she wished for a glamorous party for her debut,pero for her

this is the best birthday she had.

Mas masaya iyon dahil kasama niya ang mga kaibigan at taong nagmamahal

sa kanya.

"ito panyo..tumutulo ang sipon mo", bulong sa kanya ni Slate.

Hinampas niya ito at kinuha ang panyo dito. Magagaling ba talaga mang-asar

ang mga bampira?

Nagsisitawanan ang mga kasama niya para bang walang nagyari at walang

mangyayari.

"Gusto mong lumabas?", yaya sa kanya ni Slate. Tumango lamang siya

at sumunod dito.

Hindi na sila nag-abalang magpaalam sa mga kasama.

"Saan tayo pupunta?", tanong niya dito.

Humarap ito sa kanya at hinapit siya sa beywang.

"Kumapit ka sa akin...", Ipinilupot niya ang mga braso sa leeg nito.

Nakita niyang tumalon ito ng mataas at tumungo sa pinaka mataas na

puno.

"ang...ang taas dito...baka mahulog tayo",kumapit lamang siya dito.

"hindi noh..nandito lang ako..", iniikot siya nito kaya napunta ito

sa likuran niya.

 They look like jack and rose sa titanic ang kaibahan

lang ay nasa ibabaw sila ng matayog na puno at hindi dagat ang

nakikta niya kundi nagkalat na liwanag mula sa mga establisyemento.

They look like tiny stars na nasa lupa.

"Ito lang ang mabibigay kong regalo sa iyo", bulong nito. Nagkaroon

ng kakaibang sensasyon ang hininga nito sa punong tenga niya.

"It is... great...napakaganda dito...parang titanic...",sagot niya.

The beauty of the city in lights is breath taking. Nakalimutan niyang

napakalayo nila sa lupa at ilang pagkakamali lang ay dedo siya.

"Slate sana laging ganito..", dugtong niya.

Sumandal siya sa bisig nito.

"I want to stay beside you...pwede bang..pwede bang kapag nakita natin ang

nagpahiram sa akin ng buhay ay pakiusapan natin siya na huwag munang

bawiin ito...", nananatili lamang tahimik ang lalaki sa likod niya habang

yakap yakap siya.

"gusto ko pang magkasama tayo ng mas matagal...nakakabitin kasi.. gusto k pang mabuhay ng matagal para makasama ka", tumulo na ang luha niya pero hindi niya pinahalata dito.

"Sienna .. kahit anong mangyari aalalahanin mo nasa tabi mo lamang ako..

at....mahal..mahalaga ka sa akin", tumango lamang siya. 

Hindi ito ang oras para magdrama siya dapat masaya siya dahil kasama niya

ang lalaki kahit sa huling sandali.

The Borrowed life [a vampire story] //COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon