Kabanata 4

2.8K 115 33
                                    

| Kabanata 4 |

Alas singko y medya na yata ang oras ngayon dahil medyo malapit ng magdilim. Pabalik na ako sa Mansion galing sa manggahan ni Lolo. I stayed there since this morning. Ayoko kong bumalik sa Mansion dahil sigurado akong papagalitan lang ako ni Mama o kaya iinterview-hin ni Lola or kung sino pa man.

Hindi na ako nananghalian kanina, dahil busog rin ako sa kinain ko noong umaga. Hindi na rin ako kakain ngayon sa hapunan. I just don't want to see them yet. Kahit na isa sa kanila. I prefer na magstay nalang sa kwarto hanggang sa umuwi na kami.

Ayokong may mangyari na naman, kaya mas mabuting ako na ang umiwas sa kanila.
Dumaan mun ako sa may taniman ng cacao ni Lolo sa gilid ng Mansion, tinitignan kung may bunga ba. Namiss ko ng kumain ng ganito eh. Napangiwi ako nang wala akong makitang hinog na bunga.

Naglakad nalang ako pabalik pero agad din akong nahinto nang marinig ko ang boses ni Mama sa likuran ko.


"Chestin, andito ka lang pala. Halika nga dito!" Agad akong napalingon nang marinig ko ang galit niyang boses.


Naglakad siya papalapit at masamang tingin ang ipinukol sa akin. Nakita ko namang may dala siyang damit na hindi ko alam kung kanino. Kunot-noo ko siyang tinignan at nagulat ako nang malakas niyang tinampal ang noo ko.


"Ano na naman ba, Ma?" gulat kong tanong.


Goodness, bigla-bigla lang naman bang mananakit? Ano bang problema nila?


"Anong 'Ano na naman ba?'? Kita mo 'to?" galit na sabi ni Mama sabay taas ng damit na hawak niya, "Sinira mo 'to! Damit 'to ng kapatid mo. Bakit mo naman ginawa 'yon?!" dugtong niya.


What? Anong sinira? Ngayon pa nga lang ako nakabalik rito.


"Ano pong sinira? Ma, wala akong ginagawa," gulat man ang nararamdaman ko pero kalma pa rin ako. Ayoko ng patulan pa sila.


"Huwag mo ng subukang i-deny pa. Ikaw lang ang gumawa nito dahil gusto mong gumanti sa sinasabi mong ginawa ni Yana sayo!"


Ayun! Yana na naman. Siya na naman. Kaya pala.


"Ma, isa lang ang sasabihin ko. Hindi ako ang may gawa n'yan," matigas kong sabi.


Ni hindi ko nga alam kung anong damit 'yan. Goodness! Nakakainis na talaga ang mga tao ngayon.


"Chestinell, anong sinabi ko sa'yo pagalis natin hanggang pagdating natin dito? Hindi ka na ba talaga magbabago? Ilang beses ko bang sasabihin sa 'yong ayusin mo ang sarili mo?!" galit niyang sabi.


Napabuntong-hininga nalang ako. Kailan ba magiging mapayapa ang buhay ko?


"Wala akong kasalanan dyan, Ma. Bakit niyo ba ako laging pinagbibintangan?! Wala naman akong ginagawa!" hindi ko na napigilan ang sarili ko.


I couldn't control my anger anymore. I'm really frustrated. At dahil do'n mas nagalit siya at ikinagulat ko nang itinaas niya ang palad niya at nakatanggap ako ng isa na namang malutong na sampal. Parang nayanig ata ang utak ko sa lakas.

Sa Taong 1890Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon