Kabanata 18

1.8K 72 25
                                    

|Kabanata 18|

Disyembre 23, 1889

Doon mo pa makikita ang halaga ng isang bagay kapag wala na ito sa iyong mga kamay.
Ama, kailan mo ba mapagtatantong hindi ako isang bagay na kaya mo lang ipamigay o kaya naman ay gawing tulay upang magawa ang iyong mga ninanais. Kinasusuklaman kita, kahit pa ikaw ang aking ama. Kinasusuklaman kita ng sobra.

— Martina




“Ano?!” Dugtong kilay na magkasabay na sambit nila.

Napataas naman ang dalawa kong kilay sa pagtataka. “Bakit?” Maang kong usal.

Napalingon naman ako nang ibinato ni Carolino kay Leon ang kaniyang pampunas.

“Nakakadiri ka, Leon,” aniya sabay pagpag ng damit. 

“Kuya naman, iyong pagkain ko nahaluan na ng lason,” pagkaarte pang ani Gabriel. 

“Nakakagulat itong si Binibining Martina. Ano nga uli iyon? Binigyan ka ng bulaklak ni Joaquin? Kailan pa kayo naging malapit sa isa’t isa?” hindi makapaniwalang usal ni Kuya Luis na parang makapagsalita ay wala si Joaquin sa mesa kasama namin.

“Oo, binigay niya ito. Sobra naman ang reaksiyon ninyo,” sagot ko. “Binili niya ito sa isang bata na naglalako ng mga bulaklak, tapos hiling naman niyong bata ay ibigay sa akin, kaya ibinigay niya,” paliwanag ko.

Dahil doon ay napatango-tango silang tumingin sa aming dalawa ni Joaquin.
 

“Kayo kasi, napakamahusga niyo talaga. Kaya ayan nagkalat kayo. Sinayang niyo iyong pagkain,” wika ko.

Eh kasi nga naman talaga nagmistulang may food and water shower sa mesa namin dahil sa ka-oa-han ng mga reaksiyon na parang may ginawa na kaming krimen ni Joaquin.
 

“Nakakagulat nga kasi ang iyong mga binitawang salita, Binibini,” pagdadahilan pa ni Gabriel.

Natawa akong umiling saka ininspeksiyon ang pagkain ko baka natalsikan at natapunan pa ‘to ng mga laway at pagkain mula sa bibig nila.

Oa na kung oa, pero hello, ikaw kayang makasama nitong mga ‘tong nagbugahan ng mga laman sa bibig at natalsik pa sa pagkain mo. Tama nga si Carolino, nakakadiri

Pero mabuti nalang at may kalakihan ang mesa namin at may distansya kami sa isa't-isa kaya wala naman sigurong lumanding rito na mga ibinuga nila.

Nagpatuloy nalang kaming lahat sa pagkain habang sina Leon, Carolino at Gabriel ay sige pa rin sa pagreklamo tungkol sa mga natapong mga pagkain nila sa isa’t isa at sa mga sariling plato. Kaya mas lalo kaming pinagtitinginan ng mga tao na kasama namin sa palapag na ito. 

Hindi rin nagtagal ay natapos kaming kumain. Sobrang daldal nila na parang hindi mga lalaki. Pero ‘yon nga siguro ang mangyayari kapag mga kaibigan na ang kasama, wala ng pakialam sa mundo o sa kung ano pa man.

At syempre dahil, isa akong binibini, ay ginampanan ko ‘yon. Well-trained in etiquette si Kristina kaya dapat ganoon din ako. Tahimik lang akong kumakain at minsan ay nakikitawa sa kanila.

Kadalasan ay nakinig lang ako sa kanila na pinag-uusapan ang mga aktibidad ng araw na ito rito. Nagkasundo na rin nga sila na huwag na raw muna silang sasali sa mga palaro at paligsahan dahil alam naman nilang mananalo sila.

Ipapaubaya nalang daw muna nila ang karangalan sa iba. Hindi talaga ako magtataka pa, mga mahahangin nga talaga ang magkakaibigan na ito. 

Naubos rin nila ang lahat ng pagkain sa mesa, na hindi ko akalaing sakto lang pala sa amin. Akala ko sosobra nga ‘yon dahil sa dami ng binili nila. At syempre, halos maubos ang perang dala ko.

Sa Taong 1890Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon