Kabanata 11

2.4K 92 2
                                    

| Kabanata 11 |


Nakinig lang ako sa mga pag-uusap nina Ama, in that way makakalap rin ako ng mga kaalaman tungkol sa kanila sa mga taong nasa paligid ko.


Sina Ama, Don Carlos, Don Miguel at ang Gobernador lang ang maingay sa buong mesa namin. Tawa ng tawa sa bawat paksang pinag-uusapan nila. Ang mga Donya naman ay pawang ngiti at tango lang ang ginagawa, pero minsan rin ay sinasali sila ng mga Don kaya nagsasalita sila.


"Compadre, kung ganoon ay mayroon ka na bang balak na ipaubaya ang pamamahala sa iyong hacienda at mga ari-arian sa kamay ng iyong panganay?" pagtatanong ni Gobernadorcillo Timoteo.


Tahimik naman kaming lahat at naghihintay sa kanyang sagot.


"Oo nga, at tiyak na iyo na siyang nasanay at nahubog sa pagiging maayos at magaling na haciendero kagaya ng iyong sarili. Matagal-tagal na rin ang panahon ng kanyang paghahasa," dagdag pa ni Don Carlos at lumingon kay kuya Lucio.


"Wala pa sa isipan ko ang bagay na iyon. Naaaliw pa ako sa pagpapatakbo ng aming hacienda. Ngunit hindi rin naman yata magtatagal iyon, at kailangan na rin niyang hawakan iyon ng siya na lamang at narito nalang ako upang gagabay sa kaniya," tugon ni Ama.


Ngumiti naman si kuya Lucio, "Tama po ang sinabi ni Ama. At saka marami pa po akong nararapat na malaman at matutunan mula sa kanya. Kakailanganin ko pa po ang kaniyang paggabay," aniya.


Ngumiti naman ako kay kuya Lucio, at tumingin kina kuya Marco at kuya Lucas. Bahagyang napakunot ang noo ko nang makita silang tahimik at kumakain lamang, ni hindi man lang sila nagtaas ng mga ulo at tumingin kina Ama. Ano naman kaya ang kanilang problema?


"Mapagkumbaba itong si Lucio, kahit na malinaw ang kaniyang maganda at mahusay na abilidad sa pagpapatakbo ng inyong hacienda," komento ni Don Miguel.


"Exacto! " usal ni Gobernadorcillo Timoteo. "Mukhang ikaw ay masaya sa pamamahala ng hacienda kasabay ang gampanan ang tungkulin bilang Teniente Mayor ng ating bayan, Compadre," dagdag pa niya.


Agad akong napatingin kay Ama. Kung ang gobernadorcillo ng bayang ito ay Si Gobernadorcillo Timoteo, si Ama ay naman ay ang Teniente Mayor? Siya ay Teniente Mayor?!


Sa Philippine History namin last semester ay naturo sa amin na ang isang bayan ay mayroon isang Gobernadorcillo. Kapag may kalakihan ang bayan na iyon ay mayroon siyang mga katulong sa pangangasiwa doon at kabilang na roon ang Teniente Mayor.

Kung ganoon hindi lang pala isa sa mayamang tao sa bayang ito ang Ama ni Kristina kundi isa rin siyang opisyal ng gobyerno. Oh goodness! Napakarami naman atang mga rebelasyon sa loob lang ng isang araw.


"Siyang tunay, Compadre," nakangiting sagot ni Ama.


Kung ang dalawang Don na ito ay may pwesto sa gobyerno, ibig sabihin ba niyon ay ganoon din ang dalawa pang Don na kasama namin?


Sa Taong 1890Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon