Kabanata 21

1.6K 74 23
                                    

|Kabanata 21|


Disyembre 18, 1889

Gumising ka sa katotohanang hindi lahat ng iyong ninanais ay maisasakatuparan at mangyayari. Dahil hindi iyon ang mangyayari. Hinding-hindi mangyayaring pasunurin ang tadhana at kapalaran. Kung ano ang nakatakda iyon ay mangyayari.

Martina




"'Agustin'?" hindi makapaniwalang usal ni kuya. "Martina, kailan mo pa naitawag ang isang tao sa kaniyang unang pangalan lamang?" dagdag niya.


"Uh, magkakilala po kami Kuya, magkaibigan na rin," sagot ko saka papalitpalit na tumingin sa kanilang dalawa.

Si Agustin pa rin ay nakangiti lang na nakatingin sa akin.


Bigla naman siyang nahampas ni kuya sa braso, "Huwag mo nga titigan ang aking kapatid," aniya saka ito pinandilatan.

Natawa naman ako nang nagbawi ng tingin si Agustin at umayos ng upo.


"Tama siya Lucas. Magkaibigan nga kami ni Binibining Martina," sabi na saka ngumisi uli sa akin. May sayad na ata talaga ito, kanina pa ngisi ng ngisi.


"Talaga? Kailan pa?" hindi pa rin makapaniwalang tanong niya. "Kamakailan ka lang naman nakauwi rito at saka hindi rin lumalabas ang aking kapatid," turan pa ni Kuya.

"Uh, noong kamakalawa Kuya, doon sa sentro ng bayan," sagot ko na.

Mukhang hindi pa naman yata sinabi ni Agustin ang nangyari. Mabuti nalang, baka kung hindi talaga, hindi na ako makakalabas pa uli ng mansiyon. Napatango naman si Kuya at ngumiti sa aming dalawa.

Kaya lang biglang na namang ngumisi si Agustin, "Lucas, nababatid mo ba kung paano kami nagkakilala ng Binibini?" pagsisimula niya.

Kaagad itong ikinapamilog ng mga mata ko at bumilis ang pagtibok ng puso ko saka mabilis na napalingon kay kuya na interesado pang nakikinig sa kaniya.

"Aba ay hindi ka talaga maniniwala kapag inilahad ko sa iyoffpph—" hindi ko na pinatapos si Agustin.

Mabilis ko siyang dinambahan at tinakpan ang bibig niya.

Napakunot naman ang noo ni Kuya na nakatingin sa amin.

"Wala, Kuya. Huwag kang maniwala sa kaniya. Nagsisinungaling siya. Kuya, pakiusap huwag. Kuya, huwag kang maniwala sa kaniya," nakikiusap kong usal sa kaniya.

"Hrmmpff asdfghklm," reklamo naman ni Agustin na namilog pa ang mga mata.

Kaya mas lalo kong diniinan ang pagtakip ko sa bibig niya, "Shh, tumahimik ka," saway ko saka lumingon kay Kuya.

"Ehehe, wala po Kuya. Huwag na huwag kayong maniwala sa kaniya. Sinungaling siya," katwiran ko pa.

Si Kuya naman ay hindi na nakapagsalita at namimilog na ang mga matang nakatingin sa amin.

Sa Taong 1890Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon