|Kabanata 49|
Mabilis akong napalingon ang marinig ang boses mula sa aking likuran. Doon ko natagpuan si Joaquin na nakatayo at hinahabol pa ang kaniyang hininga. Tila pa’y nagmamadali siya dahil may kakaunting pawis na namuo sa kaniyang noo.
Nginitian ko nman siya ngunit may kaunting kunit sa aking noo. “Ayos ka kang ba, Ginoo? Tila ika’y hinahabol ng kung ano man.”
Gumanti siya ng ngiti saka tipid na inayos ang sarili. “Ayos lamang ako, Binibini. Nagmamadali ako at baka ika’y nakarating na’t mag-isa pa.”
“Ano ka ba?” Hinampas ko ng kaunti ang hangin. “Ayos lang noh. Kadarating ko lang din.”
Dahan-dahan siyang tumango kaya lihim na lang akong bumuntong-hininga at naglakad papunta sa may bangin.
“Alam mo bang labis kong ipinagtaka ang biglaang pag-uwi ng mga panauhin kagabi sa iyong pagdiriwang?”
Napayuko ako nawala ang mga ngiti ko habang dahan-dahan na umupo. Nilingon ko naman siya na sumunod din sa akin pag-upo.
“Iyon ang dahilan kung bakit kita pinadalhan ng sulat. Mayroon akong nais na sabihin sa iyo,” tugon ko.
Kasabay niyon ang pagdugtong ng kaniyang mga kilay habang nakatitig sa akin. Pinigilan ko ang sarili kong magsalit kahit gusto ko ng sabihin sa kaniya ang totoo.
Alam na niya kaya? Anong mangyayari sa amin? Kaya niya bang harapin si Ama at ipaglaban ang kung anong meron kami?
“Batid na...ni Ama ang namamagitan sa atin,” pagbasag ko sa katahimikan. “Alam na niya. Nilaglag ako ni Clara kaya nagalit si Ama sa akin.”
Dahil sa sinabi ko ay mas lalong kumunot ang kaniyang noo. “At ano ang kaniyang sinabi? Siya rin ba ay galit sa akin?”
Umiwas ako ng tingin saka tumango. “Oo, galit siya sa ating dalawa. At sabi niya tapusin na raw natin ang ating ugnayan sa isa’t-isa.”
Base sa kaniyang reaksyon ay mukhang hindi pa yata sinabihan ni Ama si Don Carlos. Kapag nalaman naman kasi ni Don Carlos ay malalaman din ni Joaquin.
Nilingon ko siya uli at nakitang nakatingin na siya sa malayo at tahimik lang.
“Hindi ako pumayag sa gusto ni Ama, Joaquin. Kaya ako narito. Ayaw kong sumunod sa nais niyang maghiwalay tayong dalawa.”
Tumaas ang sulok ng kaniyang labi, “Marahil ay nakabubuti nga na kaniya nang malaman. Ayaw ko nang itago ang namamagitan sa atin sa mga tao mahalaga sa ating buhay,” wika niya saka lumingon sa akin. “Mas mainam na malaman na ito ni Don Agaton. Hinding-hindi rin ako papayag na maghiwalay tayo, Binibini. Alam mo namang ika’y iniibig ko ng husto.”
Hindi ko napigilan pa na mapangiti dahil sa narinig. At kahit papaano ay nawala na nang bara sa aking puso at mga takot na nararamdaman. Alam kong hindi ako iiwan ni Joaquin. Hinding-hindi niya ako iiwan.
“Gusto ko man na kausapin si Ama ay alam kong kapag ginawa natin ’yon ay mas lalo lang siyang magagalit. Mabuti na lang at nariyan sina Ina at Kuya na kinakausap siya.”
“Tama ka. Marahil ay huwag na muna nating gatungan ang kaniyang mga apoy. Hahanap ako ng pagkakataon at kakausapin ko siya,” wika niya. “Ang mahalaga ngayon ay malalaman na ng lahat na ika’y aking kasintahan.”
Mas lalo pang lumapad amg mga ngiti ko. Naramdaman ko na lang din ang hindi nakasanayan pagtibok ng puso ko na tila ba’y sasabog na ito.
Nakuha naman ang atensiyon ko sa suot niyang pulseras. Ang bigay ko. Matagal ko ring pinagmasdan iyon bago ako nagsalita.
BINABASA MO ANG
Sa Taong 1890
Historical FictionSiya si Chestinell Del Veriel Cavillian. Mula sa taong 2020. Isang babaeng laging nasa mali-tingin ng kanyang pamilya. Ninais niyang mawala ang paghihirap sa buhay niya. Nagkaroon siya ng pagkakataong makapunta sa nakaraan upang maitama ang mga baga...