Kabanata 52

702 24 1
                                    

|Kabanata 52|


“Binibining Kristina, maaari ba tayong mag-usap?”

Huminga ako ng malalim bago ako tumalikod at humarap sa kaniya.

“Ayos ka lamang ba talaga, Binibini?”

Napatitig ako sa kaniya ng ilang sandali bago nagsalita. “Ayos lang ako, Primitivo.”

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya gayong dati ay hiniling ko na magkaroon na siya ng kasintahan o makilala na niya ang babaeng magmamahal sa kaniya ng buong-buo. Pero ngayon andito ako, magkaharap kaming dalawa, gulat na gulat sa naging anunsiyo na ikakasal pala kami sa isa’t-isa.

Mas lalo pang pinalala talaga ng sitwasyon na ito ang lahat. Inamin sa akin dati ni Primitivo na gusto niya raw ako at ngayon may kasunduan. Dahil sa kasunduan na iyan mas lalo kong masasaktan si Primitivo dahil hindi ko masusuklian ang pagmamahal niya.

“Primitivo...kailan mo pa nalaman ang tungkol sa bagay na ito? Na nakatakda pala ta–tayong ikasal sa...isa’t-isa,” kuryuso kong tanong sa kaniya.

Humakbang siya paabante ng isang beses saka nagpamulsa. Tumitig siya ng ilang segundo sa akin bago tumingin sa kalangitan. Narinig ko pa ang mahina niyang paghinga ng malalim.

“Matagal na...” mahinang aniya.

Nanatili akong nakatingin sa kaniya. Hindi ako tiyak ngunit may bakas ng kalungkutan ang kaniyang boses nang sumagot siya. Hindi ako umimik at hinintay na magsalita pa siya ulit. Hindi naman ako nabigo nang magsimula na siyang magkwento.

“Bago ang iyong ika-labinwalong kaarawan ay narinig ko si Ama at Don Agaton na nag-uusap tungkol doon. Marami na akong narinig tungkol sa iyo na mga bagay na hindi kanais-nais at may ilan na naranasan ko rin. Kaya hindi ako sang-ayon sa kasunduang.”

Mula sa kaninang bahagyang malungkot na mukha ko ay sumilay ang kaunting ngiti sa aking mga labi. Hindi na pala ako labis na mahihirapan dahil pati si Primitivo ay hindi naman pala sang-ayon dito. Nilingon ko siya matapos tumingala sa langit nang nakangiti at nagsalita.

“Primitivo, nais ko sanang...humingi ng tawad dahil nadamay ka pa sa kasunduang ito. Iniisip ko kung paano ito matapos o mapuputol. Huwag kang mag-alala hindi ko rin nais ang kagustuhan nila. Ayaw kong pumasok sa isang bagay na pareho nating hindi gusto.”

“Bakit naman ito’y hindi mo magugustuhan? Dahil ba mayroon ka ng kasintahan? Binibini, labas na rito si Joaquin sapagkat magulang na natin ang nagbigay ng salita.”

Napaangat ang kilay ko. “Ang akala ko ay...hindi mo nais ang kasunduang ito. Kasasabi mo lamang.”

Hinarap niya ako at seryoso siyang tumingin sa akin. “Noon iyon, Binibini. Noong panahong hindi pa kita lubos na nakikilala. Nagbago lamang ang aking pananaw nang ika’y nagsimula nang pumansin sa aking presensya.”

Nagdugtong ang mga kilay ko dahil sa narinig. Kung ganoon nga talaga ay totoo ang mga sinabi niya sa akin dati. Na hindi ko naman siya pinapansin.

“Batid ko noong kaarawan ng iyong ama na kahit hindi mo pa rin ako pinapansin ay alam kong nagbago ka na. Hindi na ikaw ang Kristina na nakilala kong may kagaspangan ng ugali.”

Dahil sa sinabi niya ay mas lalong napaangat ang kilay ko at napakunot lalo ang noo ko. Pero kung sa bagay ay hindi ko naman iyon maipagkakaila dahil iyon naman talaga ang ugali ng totoong Kristina.

“Pangako, Binibini, kahit pa nalaman ko ang kasunduan ng mas matagal bago pa ako nagkaroon ng pagtingin ko sa iyo ay sinisiguro ko sa iyong tunay ang nararamdaman kong ito. Tunay kitang iniibig, Binibining Kristina.”

Sa Taong 1890Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon