|Kabanata 58|
"Senyorita?"
Naglakad naman ako sa papunta sa pinto nang marinig ang boses ni Isay.
"Bakit, Isay?" taka kong tanong dahil kabibigay lang niya ng meryenda ngayong umaga.
"Mayroon kang sulat galing kay Ma-mateo Quilario?" Bakas sa kaniyang boses ang pagtataka nang basahin iyon. Nagdugtong naman ang aking mga kilay.
Sino naman si Mateo? Bakit may sulat at bakit ngayon pa nagparamdam ang taong iyan?
Pinadulas naman ni Isay sa ilalim ng pinto ang isang mapusyaw na kayumangging papel kaya napayuko ako upang pulutin iyon. Naroon pa rin ang pagdugtong ng mga kilay ko nang bali-balktarin ang sobre upang basahin ang mga nakasulat.
Binibining Maria Graciana Kristina Del Veriel
Mateo Quilario
Iyon ang nakasulat sa likod ng sobre. Mas lalo tuloy na kumunot ang aking noo dahil sa nabasa. Alam niya ang kompletong pangalan ni Kristina?
"Salamat, Isay," mabilis kong sabi saka naglakad papunta sa may bintana at umupo sa upuang naroon.
Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at mabilis iyong binuksan at pinasadahan ng tingin. Pamilyar.
· · ─────── ·𖥸· ─────── · ·
Abril 17, 1890
Binibining Martina,
Sinusulat ko ang liham na ito kasama ang kahilingan na sana ay makarating ito sa iyo. Batid kong ikaw ay nagtataka nang mabasa ang pangalang nakasulat sa labas nito. Ngunit hayaan mong ako'y magpakilala. Ako ito, ang ginoong sinagot mo ng 'Oo' noong ika-pito ng Marso.
Napatigil naman ako sa pagbabasa dahil doon. Si..si Joaquin ito?!
Kinakailangan kong magpalit ng pangalan sapagkat ayaw kong madamay ka pa sa nangyayari sa aming pamilya at iniiwasan ko rin na magkaroon pa ng pag-uusapan sa bayan kung sakaling mabasa ang pangalang nakasulat sa sobre. Ngunit, iyan ay pangalan ko rin, ang aking ikalawang pangalan at ang apelyido ng aking Ina.
Kumusta ka na, mahal ko? Sampung araw matapos ang isang buwan ng pagiging magkasintahan natin, humihingi ako ng patawad dahil sa mga pangyayaring naganap at hindi man lang tayo nagkaroon ng oras na magkasamang dalawa o mamasyal man lamang.
Batid kong labis ang iyong gulat sa pangyayari at marahil hanggang ngayon ay hindi mo pa rin matanggap ang mga ito. Huwag ka ng labis pang magpagod sa kakaisip tungkol sa akin at sa aking pamilya. Magiging maayos lamang ang aming kalagayan.
Ikalawang araw mula noong kami ay dumating rito ay unti-unti kaming nakikibagay rito. Bagaman naninibago sa lahat ng mga bagay rito ay ginagawa namin ang lahat nang sa gayon ay matuto at makibagay sa lalong madaling panahon.
Maganda rin ang kanilang lugar dito ngunit mas maganda pa rin ang ating bayan. Lalo na at nariyan ka. Napaisip tuloy ako sa lugar kung saan tayo madalas na magkita. Sa tagong talon ng kagubatang walang hanggan. Marami tayong masasayang alaala roon na tiyak din akong hindi na madadagdagan.
BINABASA MO ANG
Sa Taong 1890
Historical FictionSiya si Chestinell Del Veriel Cavillian. Mula sa taong 2020. Isang babaeng laging nasa mali-tingin ng kanyang pamilya. Ninais niyang mawala ang paghihirap sa buhay niya. Nagkaroon siya ng pagkakataong makapunta sa nakaraan upang maitama ang mga baga...