Kabanata 48

791 31 14
                                    

|Kabanata 48|

Mayo 19, 1888

Kung bakit pa kailangan ng mga tao na magdusa kapag umiibig? Ang sabi nga nila'y kinakailangan mong magdusa kapag nais mong magmahal. Ika'y masasaktan kapag ika'y nagmahal. Nakaririmarim ngunit iyon ang katotohanan. Ang bawat kasiyahan ay may katumbas na pasakit at pagdurusa.

Martina



Kasama nina kuya Lucio ang kanilang mga kaibigan sa may bintana. Kagagaling ko lang sa kusina para uminim at huminga sandali dahil pagod na ako at ang daming tao na kanina pa nais akong kausapin at kanina ko pa rin iniiwasan.

Hindi na kami nagtagal sa pag-uusap ni Joaquin at baka ay magduda pa si Ama na siya lamang ang kausap ko. Mabuti na lang din at inimbitahan siya nina kuya Marco kasama ang iilang mga ginoo na hindi ko kilala.

Masaya na ang puso kong kahit saglit lamang kaming nagkausap ay nakita ko siya. At hinandugan niya pa ako ng regalo. Masaya rin akong dumating siya ngayong gabi na akala ko ay hindi.

"Huwag ka munang pumanhik. Maya-maya na lamang at pakisamahan mo muna ang mga panauhin," utos ni Ama.

Napalinya naman ang mga labi ko paibaba at dahan-dahan na tumango. "Sige po, Ama."

Nginitian ko na lang siya kahit gustong-gusto ko nang umakyat dahil inaantok na ako. Pero ayos lang. Kung ito ang dahilan kung bakit kami maging malapit ni Ama ay gagawin ko. Unti-unti nang natutupad ang mga hinihiling ko.

Isang tango naman ang iginanti ni Ama saka tumingin na sa paligid kaya nakigaya na rin ako. Nagkasalubong ang mga kilay ko at kaagad na nalukot ang noo ko nang makita sa hindi kalayuan ang papalapit sa amin na si Clara.

Nakatingin pa siya sa akin at walang ka-emo-emosyon ang kaniyang tila palengke niyang mukha. At ano na naman ang gagawin niya? Kung bakit pa kasi pati siya ay inimbita ni Ama rito? Walang modo naman iyan eh. May kakapalan pa ng mukha na magpunta dito matapos akong sugurin dito? Che, madapa ka sana.

"Magandang gabi po, Don Agaton," pagbati ni Clara nang makalapit siya sa aming dalawa ni Ama.

Aish, bakit hindi nadapa?

Sobrang lapad pa ng kaniyang ngiti na parang ang saya-saya niya pa. Hindi ko alam ngunit kumulo ang dugo ko nang makita ang pagmumukha niyang iyon. Ang sarap niya tirisin. Sobra!

"Magandang gabi rin, hija. Sana ay nasiyahan ka sa inihandang pagdiriwang."

Nakangiti naman si Ama sa kaniya na minsan ko lang makitang gawin niya sa akin. Nagkasalubong kaagad ang mga kilay ko nang masilayan iyon. Masaya 'yan, Ama? Masaya?

"Siyang tunay po, Don Agaton. Nasiyahan po ako ng sobra. Babatiin ko na nga rin ng maligayang kaarawan ang Binibini," nakangising aniya at bumaling sa akin. "Maligayang kaarawan ulit, Binibining Martina. Dalawampu ka na at handa ng makipag-isang dibdib."

Tumawa pa siya na ikinangiti ni Ama ng kaunti ngunit magkasalubong naman ang mga kilay na tila ba'y naguguluhan sa naririnig. Nagdugtong nga kaagad ang mga kilay ko at halos lumuwa na ang mga mata ko dahil sa narinig. Pechay! Anong kabobohan ang kaniyang sinasabi?!

"Makipag-isang dibdib?" pag-uulit ni Ama na ikinakabog ng puso ko. "Ikaw rin Clarita, hija, ay handa na ba roon?"

Napabuga ako ng hangin dahil sa tanong ni Ama. Ang akala ko ay uusisahin niya pa. Mabuti na lamang at binalik ni Ama sa kaniya. Goodness talaga! Ito na iyon. Alam kong ito iyon eh. Mapapahamak talaga ako dahil sa bruhang ito. Pechay na! Bakit ka ba nabuhay babae ka?

Sa Taong 1890Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon