Kabanata 20

1.6K 78 24
                                    

|Kabanata 20|

Disyembre 20, 1889

Ako ay walang pakialam sa kaniya. Hindi pa ba ako nasanay? Lagi naman lang niya akong hindi pinapansin, matapos kong ipahayag ang aking saloobin sa aking nalaman. Ako ay hindi natatakot sa kaniya. Manigas siya, sapagkat hinding-hindi ko gagawin ang kaniyang nais.

Martina


Nakakunot ang noo kong tumingin kay Ate Guada. Ano ba ang ibig sabihin niya? Bubuhusan niya ba talaga ako ng tubig?

"A-ate, ano ang ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong sa kaniya, pero tinignan niya lang ako ng blanko.

Oh My C! Ano na ang gagawin ko? Mukhang may gulo nga talaga ngayon. Haish, eh siya naman pala itong masama ang ugali ah. Ako na nga itong humihingi ng tawad siya pa itong magsisimula ng away.

Maya-maya pa ay dumating na ang tagasilbi dala ang isang baso ng tubig. Kinakabahan pang inabot nito ang baso kay Ate Guada na napatayo sabay tanggap nito.

Kaagad na umatras ang tagasilbi para maiwasan ang ano mang mangyayari. Kabado akong nakatitig kay Ate Guada at naghihintay sa ano man ang gawin niya sa akin.

Hindi ko siya pwedeng patulan dahil nasa mismong bahay namin kami naroon. Isa pa, kapag aawayin niya ako magsusumbong lang ako kay Ina. Kakampi ko naman iyon dahil alam kong naniniwala siya sa akin.

Naglakad siya papalapit sa akin kaya agad akong napatayo. Bawat hakbang niya ay ikinakabog ng puso ko. Hindi ko pa naranasan na makipag-away, kaya ganoon na lang ang kaba ko.

Kunot-noo ko siya tinignan pati na rin ang basong nasa kamay niya. Kapag ito talaga itatapon niya sa akin malalagot talaga itong babaeng ito sa akin.

Tumigil siya sa harap ko at tinignan ako mula ulo hanggang paa, na ikinatuya ko. Aba, talaga namang, pareho lang pala itong n'ong babaitang Clara na 'yon. 'Kala nila kung sino sila, tss.

Iginalaw na niya ang kamay niya may hawak ng baso. Kaya agad naman akong nagtaas ng noo. Atleast kung bubuhusan niya ako may poise pa rin. Tsaka saksi naman ang mga tagasilbi rito na wala akong ginagawang masama.

Dahan-dahan na niyang inilapit ang baso sa akin, na ikinakaba ko talaga. Hindi ako natatakot pero nababahala lang ako sa ano mang magiging resulta nito.

Napakunot ang noo ko at naguguluhan akong tumingin sa kaniya nang ang baso ay hindi tumuloy papunta sa akin kundi ininom niya ang laman niyon. What?!

Pinagmasadan ko siya habang ininom niya ang kalahati ng laman nito. Saka niya ibinaba sa lamesita na nasa tabi namin.

Tumingin siya sa akin saka nagsalita, "Nilagyan ko lamang ng tubig ang aking katawan nang sa gayun ay masiguro kong ako ay hindi nananaginip at maayos pa ang aking isip at pandinig," aniya.

"Ngayon, ano nga ang iyong sabi?" Paglilinaw niya.

Bahagya akong nakahinga ng maluwag at napatingin sa malayo. Akala ko naman talaga bubuhusan niya ako.

Nilingon ko uli siya saka ibinalik ang ngiti ko, "Ang sabi ko Ate, humihingi ako ng tawad sa lahat ng mga nagawa ko sa 'yo," pag-uulit ko.

Bahagya naman siyang natawa na parang hindi makapaniwala sa narinig niya. "Ano ang iyong nakain?" aniya.

"Mayroon ka bang karamdaman?" usisa niya pa saka biglang inilapat ang likod ng palad sa noo ko.

"Wala naman," usal niya.

Sa Taong 1890Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon