Oktobre 12, 1888
Totoo naman na kaniyang kasalanan kung bakit nagbago ang lahat. Kung hindi dahil doon hindi na masisira ang pagtingin ko sa kaniya, at hindi ko siya kamumuhian.
Kung sana ay hindi nangyari iyon, mapapanatag at magkakaroon ang kapayapaan ang aking puso.
Siya ang dahilan ng lahat ng ito, at siya ay hinding-hindi ko mapapatawad. De ninguna manera.
— Martina
Katabi ko siya habang naglalakad sa kahabaan ng daan sa plasa. Hawak-hawak ko lamang ang aking bolso de cabestrillo at ang aking abaniko habang nakatanaw sa buong paligid.
Maraming mga batang nagtatakbuhan at naglalaro na panay rin ang pagsaway ng kanilang mga Ina. Abala ang bawat kalye at eskinita sa buong bayan.
"May nais ka bang paroonan, Binibini?"
Kaagad akong napalingon sa kaniya nang marinig ko ang kaniyang boses. Nakatingin siya sa akin at bahagyang nakangiti kaya ginantihan ko sa kabila ng pagpintig ng mabilis ng aking puso.
Kanina pa ito. Sa susunod ay hindi na talaga ako iinom ng kape.
"Ah, wa–wala akong alam kung saan ang magandang pupuntahan eh, alam niyo naman na hindi ako mahilig lumabas."
"Kung ganoon, tayo'y pupunta sa mga magagandang tindahan rito. Marami akong alam, at batid kong iyon ay magugustuhan mo," nakangiting aniya.
Binigyan ko siya ng katumbas ng kaniyang ngiti. Sa sandaling iyon tila ba'y huminto ang lahat. Ang oras, ang paglalakad ng mga tao, ang pag-uusap ng mga tao, ang paglipad ng mga ibon, ang pagtakbo ng mga karwahe, ang lahat.
Siya at ako nalang ang tanging mga taong nakikita ko. Hindi ko magawang bawiin ang aking mga mata mula sa kaniya na mistulang mayroong dumadaloy at namamagitan sa mga ito. Sana rin naman ay hindi niya marinig ang puso kong kanina pa nagtatambol at nagbobomba ng mabilis at napakaingay.
"Halika na?"
Isang mala-musika at ang malamyos niyang tinig na pumasok sa aking tenga.
Kasabay ng hangin ang mga paru-parong lumilipad at ang mga kumikislap sa paligid ang paglahad ng kaniyang mga ngiting kanina ko pa nasisilayan.
"Sige."
Binigyan ko siya ng dahan-dahang patango ng aking ulo at kasabay niyon ang tila pagbalik ng lahat sa tamang ritmo at takbo nito.
Tahimik naming binigtas ang mahabang kalsada hanggang sa nakarating kami sa isang tindahang nakatayo sa may gilid ng daraanan. Gawa ito sa kahoy at hindi kita rito sa labas ang kung ano mang nasa loob. Mayroon itong nakapaskil sa ibabaw ng pintuan na katagang 'Si Mang Tomas'.
As in iyong sawsawan?
"Halika, Binibini. Magugustuhan mo ang mga narito, at saka kilala ko ang may-ari nito kaya batid kong magkakasundo kayo dahil mabait iyon," aniya saka binuksan ang pinto para sa akin.
Siguro ay may patikim na nagaganap rito para sa mga produkto niya.
Kaagad naman na akong pumasok at inilibot ang paningin sa buong paligid. Isang tindahang puno ng mga hinulmang mga banga, plorera, palayok at mga paso. Gawa ang mga ito sa iba't ibang uri gaya ng sa putik, porselana, at may luwad. Nakapatong ang lahat ng ito sa mga malalaki at matataas na estante ng tindahan.
Ah, akala ko ay mga sawsawan ang ginagawa.
Naglakad na papalapit si Joaquin papunta sa isang matandang lalaki na nakaupo habang nakatalikod sa amin na mistulang may ginagawa.
BINABASA MO ANG
Sa Taong 1890
Ficción históricaSiya si Chestinell Del Veriel Cavillian. Mula sa taong 2020. Isang babaeng laging nasa mali-tingin ng kanyang pamilya. Ninais niyang mawala ang paghihirap sa buhay niya. Nagkaroon siya ng pagkakataong makapunta sa nakaraan upang maitama ang mga baga...