Kabanata 9

2.3K 96 2
                                    

| Kabanata 9 |



Kinakabahan akong lumabas ng kwarto na nakakapit kay Kuya Lucio, kasunod nina Kuya Marco at Kuya Lucas. Bumalik na uli ang kaba ko dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nakarating na ako doon.


Nilapitan namin sina Ama at Tiya Arcela na nakatayo sa may hagdan. Nakangiti si Tiya Arcela pero si Ama seryoso pa rin. Naku naman, birthday na birthday nakasimangotHala! Goodness, wala pa pala akong regalo para sa kanya. Di bale, maghahanap ako.


"Halika na mahal, marami na ang mga panauhin na naghihintay," nakangiting sabi ni Ina at inilagay na ang kamay sa braso ni Ama.


"Ah, teka. Ama..."

Napatigil naman sila nang magsalita ako. Lumingon naman si Ama sa akin at tinitigan ako tsaka tinaasan ng kilay. Ang cold niya talaga.


"M-maligayang kaarawan po, Ama. Hiling ko pong masaya po kayo ngayong araw at sa mga araw pang darating sa buhay niyo," nakangiti kong bati. Napatitig naman silang lahat sa akin na parang mali ng sinabi ko. Bakit? Birthday niya ngayon diba? Tama naman 'yong speech ko diba?


Ilang sandali rin niya akong tinitigan at maya-maya pa ay parang natauhan naman si Ama at tumango siya, "Salamat," tipid niyang sabi at bumaling kay Ina, "Tayo na." Nginitian naman ako ni Ina at tumango kay Ama at bumaba na sila.


Goodness, napakaseryoso niya talaga. Wala man lang smile tapos teary eyes? Hay naku. Hindi man lang siya na-touch sa message ko?


Sumunod naman sina Kuya Lucas, Kuya Marco at Tiya Arcela, matapos akong ngitian.


"Akala ko ba ay galit ka kay Ama?"


Napalingon naman ako kay Kuya Lucio na nagsalita sa gilid ko. Napataas ang kilay ko. Si Kristina galit sa Papa niya? Bakit naman?


"Hindi kita maintindihan. Bakit naman ako magagalit sa kanya?" kunot-noong tanong ko sa kanya.

Napa-smirk naman siya, "Martina, kilala ka namin at alam namin ang iyong ugali. Hindi mo kinikibo si Ama dahil galit ka sa kanya dahil sa mga utos at mga bagay na pinasusunod niya sa iyo."


Ah, gano'n pala. Kaya pala ang cold niya sa akin at noong pinansin ko siya parang hindi siya—sila makapaniwala sa sinabi ko. Magkagalit pala sila ni Kristina.


"At mas lalo pa iyong lumala nang pinasama ka ni Ama kay Tiya Arcela sa Fuente Ilaraya ng tatlong araw," dugtong niya pa.


Napailing nalang ako sa loob-loob. Ikaw talaga Kristina. "Kuya Lucio, alam mo, sa tatlong araw ko sa Fuente Ilaraya doon ko napagtanto kung gaano ako kasamang anak kay Ama," wika ko.

Ginagawa ko 'to para mawala ang gusot nilang mag-ama, dahil baka isa 'yon sa rason kung bakit mamamatay si Kristina.

"Gusto kong magkaayos na kami ni Ama. Napagtanto kong ang kabutihan ko lang ang iniisip niya," dugtong ko.


Ngumiti naman si Kuya Lucio dahil do'n, "Mabuti kung ganoon. Masaya akong marinig ang mga bagay na iyan mula sa iyo Martina. Sana ay totoo ang iyong sinasabi," aniya. "Sya, at tayo ay naiwan na nila rito," natatawang sabi niya at lumingon kina Ina na ngayon ay nasa baba na at nakatingin sa amin.

Sa Taong 1890Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon