Kabanata 23

1.5K 66 11
                                    

|Kabanata 23|


Disyembre 1889

Ang mga taong parating sinasaktan ang ating puso at damdamin ay walang karapatang maging bahagi ng ating buhay.

- Martina



"O-oo...," wala sa sariling bulong ko sa isipan.

Hindi ko naman maintindihan kung bakit unti-unting nagdikit ang mga kilay niya na para bang may sinabi akong mali.

May sinabi ba akong mal-

Sa sandaling iyon ay hindi ko na alam kung anong mararamdaman ko.

SINABI KO BA TALAGA ANG SALITANG OO?!

Tumatambol na ang puso ko sa loob ko. Mabuti nalang at hindi iyon maririnig dahil mas maingay pa ang ragasa ng tubig mula sa talon. Ngunit kahit pa ganoon ay nanlalamig na rin ang mga kamay ko at uminit ang buo kong mukha.

Sinabi ko talaga 'yon?! Aaaaah! Nakakahiya ka!

"Hmm?" kunot-noong ingit niya, hindi makapaniwala sa nasabi ko.

Binigyan niya ako ng tingin na parang sinasabi niyang, 'Ayos ka lang? Nakadroga ka ba? May sakit ka?'

Patuloy pa rin ang mabilis na tibok ng puso ko at halos na rin mawalan na talaga ako ng hininga.

Dali-dali akong ngumisi ng pilit, "E-eh," umutal pa ako. Kainis! "Biro lang!" kunwari akong tumawa ng malakas saka bumaling sa malayo.

Woooh! Chestinell, panghuli na ito ha. Makakatikim ka na talaga. Ang dami mo ng kahihiyang ginawa.

Nilingon ko siya at ganoon na lang ang pagkahulog ng puso ko. Hindi ako makapaniwalang nakatitig pa rin pala siya sa akin.

Nahihiya akong ngumiti sa kaniya, "Huwag mong seryosohin iyon, Gin-ginoong Joaquin. Biro ko lang iyon," giit ko.

Ngumiti siya ng kaunti, "Batid ko iyon, Binibini," saka siya tumingin sa malayo.

Inilabas ko ang bara sa aking baga, huminga ako ng malalim saka imirap.

Chestinell ha, nakakairita ka na talaga! Kung hindi ka padalos-dalos sa kilos, padalos-dalos ka naman sa pagsalita. Aishh!

Hindi nalang ako nagsalita pa uli at baka kung ano pa ang masabi ko. Pinagmasdan ko nalang ang buong paligid.

"Hindi ako araw-araw na pumaparito, Binibini," lumingon ako sa kaniya.

"Pumaparito lamang ako tuwing nais kong mapag-isa at hangad ang kapayapaan sa isip at pumahinga," dugtong niya saka tinukod ang dalawang braso sa lupa sa likod niya saka bahagyang inihilig ang katawan paatras.

Napatitig naman ako sa kaniya, sa kaniyang mukha.

Ang tangos naman ng ilong niy-shush!

Kaagad akong nag-iwas ng tingin saka dahan-dahan na tumango. Oo nga naman, Chestinell. Hindi ba at may pasok siya?

Tinanaw ko nalang ang buong paligid, "Ang ganda rito. Siguradong mawawala ang lahat ng bigat na nararamdaman kapag pumarito," tugon ko.

"Tama ka riyan. Hindi ko nga aakalaing may magtatago palang paraiso rito sa Kagubatan ng Walang Hanggan," tugon naman niya.

Nagdugtong kaagad ang mga kilay ko, "Ka-kagubatan ng?" pagpapaulit ko.

Sa Taong 1890Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon