Special Chapter 2

554 13 4
                                    

Dee

Mayroon kaming meeting ngayon na mga officer na gaganapin sa SDA, makakasama daw namin mga Multimedia Arts students sa event na gagawin namin sa December. Kami ni Stacy 'yung representative ng course namin, pero hanggang ngayon wala pa rin siya.

"Miss, may nakaupo ba diyan?" tanong sa akin ng lalaki.

"Wala." Hindi ko na siya hinarap, naiinis kasi ako kay Stacy.

"Justin! Naks, kaya ba talaga pagsabayin?" rinig kong sabi ng babae sa harap ko.

"Syempre naman!" sagot nung Justin.
Medyo pamilyar 'yung boses niya, may naiisip ako pero ayoko mag-assume na siya 'yon. Kaya ang ginawa ko, dahan dahan akong lumingon. Paglingon ko ng bahagya, nakatingin pala siya sa akin.

"Hoy po! May problema po ba?" sabay ngiti sa akin.

OMG. TAMA AKO.

SI JUSTIN NG SB19!!!!!!!!!!!!

"Ah, eh, w-wala! Nice meeting you. By the way, I'm Heidee."

"Hello, i'm Justin." Pakilala niya at nagshake hands kami.

Parang kagabi lang, nireplyan niya ako sa menpa. Ngayon magkatabi na kami ngayon sa upuan. Shemay!

"Pwede magtanong? Ikaw ba 'yung member ngㅡ"

"SB19? Ako nga po! I'm glad na kilala niyo ang group namin."

"Sino bang hindi makakakilala sa inyo? Saka, i'm a fan of your group talaga! Sumali nga pala ako sa twitter menpa mo kagabi, and isa ako sa nareplyan mo." sagot ko.

"Really? Ano username mo ba?" tanong niya.

"@heideenseekdd, 'yung corny ang joke. Hehe! Buti napansin mo, ang dami dami nagrereply eh!"

"Natawa kasi ako! Hahahahaha! Dagdag sa listahan ko ng joke." sagot niya.

Maya-maya lang dumating na si Stacy. Napansin din niya na katabi ko nga si Justin ng SB19, napa-"OMG" siya ng mahina. After naming mag-usap ni Justin, tahimik na uli siya, pero friendly naman siya. Saktong 5:30, nagsimula na 'yung meeting.

"Sana maging successful ang event natin. Thank you for coming sa meeting ngayon!" sabi ng Project Head namin.

Habang pababa na ako, may naririnig akong tumatawag sa akin, paglingon ko, si Justin pala.

"May gagawin ka ba bukas?" tanong niya sa akin.

"Hmm.. wala naman. Bakit pala?"

"Ay ganon ba, ayain sana kita mag-Starbucks eh. Ngayon sana kaso may pupuntahan pa ako. Sige, una na ako ha? Ingat ka!" sabi niya sabay ngiti sa akin.

Grabe, para akong may kaharap na manhwa character ngayon. Papunta ako ngayon sa Makati, gagawin pa ata akong thirdwheel ni Kuya Felip at Kuya Jah sa date nila. Pero okay lang, libre naman nila ako ng dinner. Nagdala ako ng dress, sa restaurant daw kasi kakain.

Pagdating ko sa restaurant, nakita ko na silang dalawa na naguusap.

"Kuya Felip, huwag nga kayo magharutan dito. Sakit niyo sa mata eh." sita ko sa kanya.

"Naguusap lang, harutan agad?" sagot niya sa akin.

"Ay, may iniintay pa ba tayo? Bakit may isa pang bakanteng upuan?" tanong ko.

"Ininvite rin kasi ni Jah yung pinsan niya. Papakilala namin sa'yo." sagot ni Kuya Felip.

"Baka maduling ka sa amin kapag nakita mo siya, Dee." sabi naman ni Kuya Jah.

Habang nagtitingin ako sa menu, nakita ko sa peripheral view ko na may lalaki sa gilid ko.

"Sorry, bumili ako ng flowers kasi kaya ako nalate." sabi nung lalaki.

Medyo familiar yung boses niya, paglingon ko sa lalaki, napa-nganga ako.

"Dee, meet my cousin. Justin." pakilala ni Kuya Jah.

Nagkatinginan kami ni Justin at sabay tumawa. Inabot naman niya sa akin yung flowers at naupo na. Totoo ngang nakakaduling sila ni Kuya Jah, magkahawig na magkahawig sila, ang pinagkaiba lang yung kulay ng buhok nila at naka-glasses na si Kuya Jah.

Habang naguusap silang tatlo, napatingin ako ng bahagya kay Justin, nang tumingin din siya sa akin, umiwas ako at kumain na lang.

Hinatid ako ni Kuya Felip sa bahay, pagkatapos ko mag-half bath, nagtingin muna ako saglit sa FB ko. Napatingin ako sa 4 na friend request sa akin, at nagulat ako kasi isa doon si Justin. Inabot ako ng 4 seconds bago ko i-accept.

Pagkatapos ko ayusin sa vase yung flowers na binigay sa akin ni Justin, nag-open ako ng phone para picturan, pero nagulat ako ng may messages akong natanggap galing sa unknown number.

Hello, Heidee! It's me Justin
10:22 PM

Dapat pala nagsabay na lang tayo kung alam ko lang na ikaw pala yung sinasabi ni Kuya Jah.
10:22 PM

I enjoyed the dinner tonight. I was thinking of na iinvite sana kita for lunch bukas? Don't worry, it's my treat.
10:24 PM

I also want to know more about you.
10:25 PM

Napangiti ako sa last message niya. Nagreply ako sabay higa sa kama ko. Grabe sa loob ng isang araw, ang daming nangyari. Mukhang hindi na ako makakatulog nito.

--

Sorry kung natagalan! Isang special chapter na lang, legit na tapos ko na 'to. So ito, gusto ko lang din i-feature yung pinsan ni Ken dito sa AU ko.

follow me on twitter pala: @justingineer_ 🎊

Meeting you Again | SB19 KenTin ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon