38

511 20 17
                                    

"Starting today, hindi na papasok si Sir Felip ngayon dahil Mr. Suson Sr. will be coming back here again after 8 months." announce ni Miss Eunice sa amin.

Maya-maya lang, pumasok na si Director kasama ang kanyang assistant. Napapansin ko na palingon-lingon si Jah sa may pintuan. Nako, alam ko na kung sino hinahanap nito.

"Hello, my dear team. It feels so good to be back! How are you?" tanong ni Director.

"We're all fine, Director. How's your health po?" tanong ni Miss Eunice.

"I'm doing great! Pwede na uli sumabak sa gera. By the way, nabalitaan ko na mayroon tayong dalawang intern this year? Where are they?" tanong ni Director.

Nagulat ako nung tinulak kami ni Jah, tumaas siguro kaba nitong si Jah. Namutla eh.

"I'm Shar San Pedro po." pakilala ko.

"Jah de Dios po, Sir." pakilala naman niya.

"Thank you for choosing The Focus as your training ground for your future! Hindi ba kayo pinepressure ni Felip?" tanong niya sa amin.

Umiling naman kami kahit napressure kami nung nakaraan. Hindi nagtagal, inaya na kaming lahat ni Director na kumain, may hinanda pala kasing catering para sa aming lahat. Habang kumukuha kami ni Jah ng pagkain, narinig namin 'yung usapan ni Miss Eunice at ni Director tungkol sa rason kung bakit hindi na si Sir Felip ang haharap sa amin starting today.

Jah's P.O.V.

"Hello, Mr. de Dios! Please come in to my office after your shift." sabi sa akin ni Director at pumasok na sa office.

Kinakabahan ako. Bakit kaya? Napansin ko rin na tatlong oras na lang, tapos na shift ko. Pero, nakakalungkot kasi hindi ko na makikita si Ken. Parang pinaglalayo talaga kami ng tadhana. Humihingi pa naman ako ng sign kung ipaglalaban ko pa ba siya, kaso unang araw pa lang, eto na bungad sa akin.

"Jah, intayin kita?" tanong sa akin ni Shar.

"Hindi na, Shar. Ayos lang ako. Ingat sa pag-uwi."

"Chat mo ako ha? Chismisan mo ako sa usapan niyo ni Director. Joke lang. Sige, ingat ka rin."

Pagkatapos ko ayusin 'yung mga gamit ko, dumiretso na ako sa office. Hindi ako sanay na hindi si Ken 'yung tao dito. Namiss ko tuloy siya bigla.

"Come in." narinig kong sabi ni Director.

"Good evening po, Director. Bakit niyo po ako gusto makausap?" tanong ko.

"Before I answer your question, I would like to invite you for a dinner tonight. I want to know more about you, Mr. de Dios. Nagpa-reserve na ako para sa atin. Let's go. Ihahatid ka na rin namin sa pag-uwi."

Tutulungan ko sana siya tumayo pero malakas pa rin siya kahit nakatungkod siya. Pagbaba namin, inalalayan na kami ng driver niya sa kotse. Tahimik lang kaming buong biyahe kaya naisipan ko mag-check sa messenger, may 3 messages ako sa twitter, pag-open ko, si Shar.

@shaaaarsp: huy, ano na!?
@shaaaarsp: hindi ako makachat sa messenger, tinotopak 'yata.
@shaaaarsp: ano na ganap?
Napangisi na lang ako, hindi ko alam pero tunog chismosa si Shar ngayon.
@jah447798: wait saglit mahina kalaban
@jah447798: papunta kami ngayon sa restaurant. dun yata ako lilitisin.
@shaaaarsp: any last words bago ka litisin?
@jah447798: mahal ko si ken.
@shaaaarsp: sana all talaga. sige na, maya na lang uli. huwag ka kabahan, hindi kumakain si director ng tao.

Meeting you Again | SB19 KenTin ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon