33

419 19 0
                                    

Shar's P.O.V.

Hindi dapat ako nakikinig sa usapan nila. Mali 'to, Shar. Gusto ko na bumalik sa venue para hindi na ako makarinig pa ng usapan nilang dalawa, ngunit hindi ko maigalaw 'yung mga paa ko.

"Alam mo, Ken? Bumalik ka na doon. Huwag mo na ako pag-aksayahan ng oras. Kailangan ka nila. Hayaan mo na ako." rinig kong sabi ni Jah.

Nakasilip lang ako sa may dingding pero nung nakita ko ng tumakbo na si Jah pabalik sa venue, nagtago ako uli. Nakita ako ni Sir Felip kasi lumingon siya sa gawi ko, mukhang naaninag niya yata ako.

"Sir, it's not what you are thinking, hindi po ako nakinig sa usapan-"

"It's fine. Thank you for comforting him habang wala ako." akma na sana siyang tatakbo pero hinila ko 'yung braso niya.

"Sir, is it really true? Are you getting married?" tanong ko kay Sir Felip.

Tinitigan niya lang ako at bigla siyang sumigaw at sinuntok ang pader, napabitaw ako sa sling bag ko. Matagal na akong walang romantic feelings kay Jah, naandito ako kasi concern ako kay Jah, lalo dito kay Sir Felip. Alam ko na may rason kung bakit ganito ang nangyayari ngayon, alam ko rin na mahal ni Sir si Jah.

"Sir, tayo na po kayo diyan. The guests were waiting for you, for sure." tinulungan ko siya tumayo at bigla ako nanginig nung nakakita ako ng dugo sa kamay niya, dahil sa pagsuntok sa pader.

"May gagawin ka ba mamaya? I'll tell you the whole story after the event. Ako na maghahatid sa inyo." tanong niya sa akin.

"Sige po, Sir. Tara na po, balik na tayo sa venue."

Pagbalik namin ng venue, hinanap ko si Jah, sabi nina Sir JC, umuwi na raw. Magang-maga ang mata. Sa amin kasi, 3 lang kami nakakaalam nina Sir Vester at Sir JC kung ano mayroon kina Jah at Sir. Nagsimula uli 'yung event, nag-flash ng presentations at may part din na may rampa uli 'yung mga models suot ang mga dresses ng kilalang fashion designer.

Nang matapos ang event, nag-group picture kami. Nakita ko rin na kausap ni Sir sina Miss Saiko at ang Papa niya. Bakas pa rin sa mukha niya na hindi talaga niya gusto ang mga nangyari ngayon, ni hindi na siya ngumiti mula nung bumalik kami dito sa venue. Nakaupo lang siya, minsan papalakpak.

"Thank you tonight, Team! Successful ang event. Sayang umuwi agad si Jah. Mukhang may sakit 'yata." sabi ni Miss Eunice. Nagsialisan na ang lahat, sinenyasan naman ako ni Sir kaya sumama na rin ako. Nang makasakay na kami sa kotse niya, nagkwento na siya.

"Nagulat na lang ako na pinatawag niya ko noon sa hospital, akala ko emergency, pero ayun, sinabi niya na I am marrying Saiko, sa ayaw at sa gusto ko. Believe me, ilang beses ko tinurn down." kwento niya.

"Wala din akong kaalam-alam na may ganong announcement ngayon, nagtaka nga ako bakit naandon 'yung Kuya ko, that might be the reason kung bakit siya umattend ng event natin." dagdag pa niya.

Tumango ako. "Alam mo, Sir. Alam ko naman at nararamdaman ko na nagsasabi ka ng totoo, kasi nakakanood ako ng mga ganyang arrange marriage sa mga Teleserye at K-drama, pero, Sir, anong gagawin mo?" tanong ko.

Meeting you Again | SB19 KenTin ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon