10:30 na ng gabi. Ako pa lang dito sa kwarto namin ni Ken. Nasaan kaya ‘yun? Habang nag-iintay ako sa
kanya, naglaro muna ako ng Animal Crossing sa Switch ko. Maya-maya lang, nakatanggap ako ng chat
galing sa kanya.Andito ako sa bar nina Hans. If you want to join us, malapit lang ‘to sa tinutuluyan natin.
10:48 PM
Ay hindi na. Naglalaro pa ako eh. Have fun drinking, Sir Felip!
10:50 PM
Sir???????
10:50 PM
Why? Diba ayaw mo na tinatawag ka sa pangalan mo na “Ken”?
10:51 PM
Oh. Okay.
10:52 PM
Sa sobrang pagkawili ko dito sa nilalaro ko, hindi ko namalayan na mag-tu-twelve na ng madaling araw.
Tahimik na rin ‘yung gc namin na lalaki, ako na lang ang online, pagtingin ko naman sa messages namin ni Shar, 1 hour ago na siyang logged out kaya nag-send nalang ako ng sticker ng natutulog na bear. Naisipan ko din na matulog na rin. Kung uuwi naman si Ken dito, magigising naman ako sa katok niya.Nagising na lang ako sa ingay ng alarm clock sa cellphone. 6:45 AM na pala ng umaga. Pagtingin ko sa kama sa right side ko, nakaupo si Ken pero nakatalikod sa akin. Nakasuot siya ng hoodie at naka-violet jogging pants siya. Mukhang may ka-chat 'yata.
“Yo. Gising ka na pala. Maghilamos ka na. Samahan mo ako sa dining hall mag-almusal.” Sabi niya sa
akin.
“Di mo ba kaya mag-isa?” tanong ko. Paano ba naman, kababangon ko pa lang, inuutusan na ako.
“Aayain ba kita kung kaya ko?”
“Eh di wow.” Sagot ko.
“Dalian mo na! Baka maubusan ako ng manok doon.” Akala mo batang nagta-tantrums. Binato ko nalang uli siya ng unan at nagpunta sa banyo para maligo.
“Ayun, madaming chicken.” Sabi ni Ken habang kumukuha ng manok. Mga tatlong piraso yata kinuha niya, paglagay niya ng pinggan niya sa lamesa, bumalik uli siya sa kuhaan ng pagkain para kumuha ng champorado saka salad.
“Bakit ang dami mo naman yatang pagkain? Samantalang ako, tamang fried rice at chicken lang.” sabi
ko.
“Eh wala eh, gutom ako eh.” Sabi niya sabay kain. Hindi talaga ako makapaniwala sa inaasta nitong Ken
na ito eh. Parang hindi kumain ng dalawang araw!“Kayo pa lang gising?” biglang tanong ni Sir Hans sa amin ni Ken habang kumakain ng agahan. May bitbit na rin siyang pinggan na may pagkain saka lemon juice.
Pinakikinggan ko lang sila mag-usap tungkol sa mga ganap nila sa business. Hanggang sa mabaling na sa akin ‘yung usapan.
“Ilang months na kayo ng girlfriend mo?” tanong niya sa akin. Dahil sa tanong niya, dumiretso sa
lalamunan ko ‘yung kinakain kong balat ng chicken kaya naubo ako.
“H-hindi pa po kami. Nanliligaw pa lang po ako sa kanya.” Sagot ko.
“Ay ganon ba? May naisip kasi ako. Why don’t you ask her na mag-date kayo? Tutal wala namang ibang
tao ngayon dito sa beach resort kundi tayo tayo lang naman. Libre ko nang ipapa-set up ‘yung date niyo mamayang gabi.” Sabi niya sa akin.
“Nako po! Kahit h’wag na po. Pag-uwi na lang po sa Maynila saka kami magde-date.” Tutol ko. Paano naman kasi, nakakahiya? Libre na lahat pati set-up. Habang kinukulit ako ni Sir Hans, tahimik lang na kumakain ng champorado si Ken. Ano ba kaya talaga problema nito, nagste-stress eating ba ‘to?
“Tama si Hans. Date na kayo.” Sabi bigla ni Ken na naging dahilan kung bakit kami natahimik na dalawa
ni Sir Hans.
“Okay sige na nga po. Kahit nakakahiya, hehehe.” Sabi ko sabay kamot sa ulo. Ngayon ang problema ko kung paano ko maaaya si Shar sa date ngayong gabi. Pinakita sa akin ni Sir Hans ‘yung itsura ng area,
sobrang ganda niya, lalo na pag sa gabi. Malapit din ‘yun sa dagat kaya maganda talagang dating place
‘yon. Sinabihan ako ni Sir Hans na 8PM kailangan na andun na kami sa cottage. Tinuro rin niya sa akin
‘yung lugar.Matapos naming mag-usap na tatlo, nagpaalam na ako sa kanila na babalik muna ako sa room namin kasi may usapan kami nina Sir Vester na maglalaro kami. Habang pabalik na ako sa hotel, nakita ko sa di kalayuan sina Shar, ‘yung GF ni Sir Vester na si Adelaide at Miss Eunice na nagjojogging in place. Nakita na rin nila ako kaya kumaway sila sa akin.
“Uy, Jah! Saan ka galing?” tanong ni Miss Eunice. Ningitian naman ako ni Miss Adelaide.
“Sa dining hall po, nag-breakfast.”
“Ikaw lang?” tanong ni Shar.
“Ah hindi! Kasama ko si Sir Felip saka ‘yung may ari nitong beach resort.” Sagot ko.
Tumango na lang si Shar, nagpaalam naman si Miss Eunice na aakyat uli kasi naiwan raw niya ‘yung
earphones niya. Kaya ang naiwan lang dito sa ibaba kaming tatlo nina Shar at si Miss Adelaide. May
kausap si Miss Adelaide sa phone kaya grinab ko na ‘yung chance na maaya si Shar mamaya sa date.
“Shar, wala ka namang gagawin mamayang gabi diba?” tanong ko.
“Ha? Wala naman syempre! Susulitin natin bakasyon natin dito kaya lahat ng schoolworks at workloads ko, pagdating na sa Manila ko gagawin. Bakit?” tanong niya.
“Ano, ayain sana kita mag-date. Hehehe.” Sabi ko.
Bigla naman nanlaki mata niya sa sinabi ko. Nakakagulat ba ‘yon?“Ah… eh… kailan?”
“Mamayang 8:00 PM, dun sa may cottage malapit sa dining hall, maganda kasi doon eh. Saka para
makapag-usap din tayo ng masinsinan.” Sabi ko.
“Sige ba!”
Ayun. Pumayag na siya sa date!
--
Napag-desisyunan namin na mag-swimming uli dun sa may kabilang swimming area. Maganda ang panahon ngayon, malamig pero may araw. Masaya ako kasi kahit ilang araw naranasan ko mag-bakasyon at wala akong iniisip na deadlines at iba pa. Bonus din na kasama ko sila ngayon sa outing na ‘to. Nakaupo lang ako dito sa may gilid ng pool, tapos ‘yung iba naglalaro ng water gun, ‘yung mga babae naman panay selfie sa gilid.Si Ken naman, nakaupo sa may upuan na medyo malapit sa akin, mukhang
nagche-check ng emails niya. Nakakaawa rin si Ken kasi sobrang bata pa niya para sumalo ng ganitong kabigat na responsibilities. Wala naman akong mai-offer sa kanya kundi gawin on time lahat ng pinagagawa niya sa amin.
“Guys! After ng dinner, inom naman tayo oh!” aya ni Sir JC.
“Sige, maganda ‘yan. Magpapalabas ako mamaya ng beer!” Sabi naman ni Sir Hans.
Mukhang kami ‘yata ni Shar ang wala mamaya sa inuman, kasi mamaya na rin ‘yung date namin.
Ken’s P.O.V.
“Talagang pinag-usapan niyo ‘yon sa harap ko pa mismo?”Paano ba naman kasi, dapat bang mag-usap lsila sa harap ko tungkol sa ganon!? Bwisit na Hans na ‘to, di mo malaman kung kanino boto eh.
“Chill, bro. Relax! May plano ako.” Sabi niya sabay inom ng lemon juice niya.
“Gusto mo for sure malaman pag-uusapan nila mamaya diba?” tanong niya sa akin.
“Bakit, maglalagay ka ng recorder sa ilalim ng lamesa nila?” tanong ko rin sa kanya.
“Ang pangit naman ng naisip mo. Eh di magtatago ka dun sa may damuhan malapit sa cottage na pupuntahan nila mamaya! Voila! Eavesdropping! Galing di’ba?” sabi niya sa akin.
Ibang klase talaga ‘tong kaibigan ko eh. Pero, nakokonsensiya ako ng ½, dapat ba akong makinig sa usapan nila mamaya? Pero kilala ko sarili ko, mamaya lang nasa damuhan na ako para makinig sa usapan nila.
“Safe naman dun sa damuhan. Gusto mo samahan pa kita?” tanong niya sa akin.
“Gago? Baka anuhin mo ako sa damuhan. Sumbong kita kay Ally, sige.” Banta ko sa kanya.
“Siraulo! Why would I do that. Basta kita tayo mamayang 7:30 ng gabi dito. Unahan natin sila.” Sabi ni Hans.
BINABASA MO ANG
Meeting you Again | SB19 KenTin ✔️
Fanfic[ MAJOR EDITING ] Meet Jah, a part time Junior Designer of the prestigious Fashion Magazineㅡ The FOCUS Magazine! Aside from his goal to work in a prestigious magazine company, hinahanap niya ang kanyang crush slash friend na si Ken Suson, laking gul...